Kylie Padilla on her inclusion in final cast of Encantadia remake: "They're still in talks."

Kylie Padilla clarifies that she's not yet part of the final cast of GMA-7's Encantadia remake: "Well, I think they're still in the talks. They're still talking about yung final cast nila. But I'm hoping and praying, you know, na… kasi siyempre. Para mag-callback sila. E, kasama ako sa third callback, yung pinaka-last, so tingnan natin."

 


“Hindi ako makakapili!

“Ang saya ng buong set, e. So ang hirap pumili,” ang sagot sa amin ni Kylie Padilla nang tanungin namin kung sino ang mami-miss niya sa Buena Familia.

Matatapos na sa Biyernes, March 4, ang naturang GMA-7 drama series kunsaan gumaganap si Kylie bilang si Celine Buena.

Ano ang mami-miss ni Kylie kay Julie Anne San Jose (na gumaganap bilang Darling Buena)?

“Yung biruan namin,” sagot niya.

Ang kulitan rin daw nila ni Mona Louise Rey (bilang bunsong si Faye Buena) ang isa pa sa mga mami-miss ni Kylie.

Hindi naman raw niya mami-miss si Julian Trono na gumaganap na kapatid nilang si Edwin Buena.

“E, kasi nakikita ko naman siya outside the taping so hindi ko siya mami-miss,” at tumawa si Kylie.

“Nagmu-movie date kami, kasi parehas kaming mahilig sa movies.”

Ang The Revenant (ni Leonardo Dicaprio) ang huling movie na pinanood nila ni Julian. Pero nilinaw din niyang hindi lang silang dalawa ang nanood. Kasama raw nila ang mga kapatid ni Julian.

Nali-link silang may relasyon, pero kapwa naman nilang itinatanggi ito.

“Mami-miss ko siya kaeksena,” ang sinabi naman ni Kylie tungkol kay Sheryl Cruz na gumaganap na tunay na ina ni Celine na si Josephine Carter.

“Yung mga talks namin,” ang mami-miss ni Kylie kay Angelu de Leon na gumaganap bilang si Bettina Buena, ang kinalakihang ina ni Celine.

“About life and God. Iyon. Sobrang parang mommy ko na si Tita Angelu.”

“Ganun din, yung mga conversations namin,” ang sagot naman ni Kylie tungkol kay Martin del Rosario na gumaganap bilang love interest niyang si Harry.

LESSONS LEARNED. May natutunan draw si Kylie sa paggawa ng Buena Familia.

Paliwanag niya, “Actually, dati seryoso ako sa mga ganyan. Kung in-character ka, in-character ka.

“Pag nasa set ka, the whole time, in-character ka.

“Dito ko lang talaga natutunan na yung switch na puwede naman na pag-'Cut!' Kylie ka ulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos pag-'Action!' jump in character, jump out. Yung mga ganun.

“Yung mga disiplina lang ng mga artista na hindi ko alam dati. Sobrang extreme ko dati sa mga ganyan.”

Dati raw ay naiuuwi niya sa bahay ang role o character niya.

“Hindi na healthy,” pakli niya.

Paano niya nabago ito?

“Wala, in-enjoy ko lang yung normal life ko,” at tumawa si Kylie.

Mabigat ang role niya sa Buena Familia.

“Pero yun nga, nagugulat nga ako sa sarili ko na, ‘Wow, ganun pala yun!’

“Na pag mas relaxed ka mas nagagawa mo ng maayos yung eksena,” saad niya.

Halos lahat raw ng eksenang ipinagawa sa kanila ng direktor nilang si Gil Tejada, Jr. ay hindi niya nalilimutan.

Kasama raw ang Buena Familia sa top favorites sa mga proyektong nagawa ni Kylie.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kylie sa last taping day ng Buena Familia noong nakaraang Lunes, February 22, sa New Manila sa Quezon City.

ENCANTADIA REMAKE. Hiningan naman namin si Kylie ng “official statement” para malinawan ang mga bali-balita tungkol sa Encantadia remake.

Kalat kasi ang balitang isa siya sa main cast nito bilang si Amihan.

Ang iba pa diumano ay sina Glaiza de Castro (Pirena), Sanya Lopez (Danaya), at Gabbi Garcia (Alena).

“Oh, I’m not sure if I can talk about that,” medyo naiilang niyang sagot.

Ano lang ang alam niya na maaari niyang i-share?

“All I can say is, yes, nag-audition ako. Yes, kasama ako sa last audition.

“And sila Direk na magsasabi niyan,” at tumawa si Kylie.

Malakas ang usap-usapan na kasama siya.

Dagdag pa niya, “Well, I think they’re still in talks. They’re still talking about yung final cast nila.

“But I’m hoping and praying, you know, na… kasi siyempre.

“Para mag-callback sila. E, kasama ako sa third callback, yung pinaka-last, so tingnan natin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May litrato na lumabas na magkakasama silang apat pati na rin si Ruru Madrid na sinasabing magiging male lead bilang Ybarro.

Nagkataon pa na ang mga kulay ng damit nilang apat na aktres sa naturang larawan ay tugma sa mga kulay ng apat na brilyante sa Encantadia.

Kibit-balikat niya, “Yun? Yung ano, they were trying out all the actresses for the different roles tapos it just so happened, ewan ko ba kung bakit yung picture yung nilabas na iyon, yung mga damit na suot namin.”

Hanggang ngayon raw ay wala pang alam si Kylie kung pasok na nga siya sa final cast ng Encantadia at kung sinu-sino ang makakasama niya.

“Wala pang sinasabi sa amin,” diin niya.

Wala pang kasiguraduhan na pagkatapos ng Buena Familia ay magte-taping na siya for Encantadia.

“We’ll see. Hindi ko alam. Tingnan natin,” pahabol pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN