Martin del Rosario on tackling gay roles: "Hindi ko hahayaan na yung mga tsismis malilimitahan yung craft ko."

Martin del Rosario asserts that he doesn't see anything wrong with tackling gay roles, even if he continues to be hounded by rumors because of it: "So parang wala naman akong nakikitang reason, kung iisipin ko yung mga tsismis, e tsismis lang naman yun. E, ako ginagawa ko yung gusto ko, gusto ko yung craft ko."


Makailang ulit nang gumanap na bading si Martin del Rosario sa mga show ng GMA Network; tulad ng Magpakailanman, Wagas, at Karelasyon, at maging sa ilang indie movies.

Wala raw kaso iyon kay Martin, kahit na nakakadagdag ito para ang iba ay patuloy na kuwestyunin ang kasarian niya.

Ang ganda-ganda ng character, e! Lahat napaka-complex, ang sarap pag-aralan.

Hindi ko hahayaan na yung mga tsismis malilimitahan yung craft ko,” depensa niya.

Matagal na ring natsitsismis na bading si Martin.

So, parang wala naman akong nakikitang reason, kung iisipin ko yung mga tsismis, e, tsismis lang naman yun.

E, ako ginagawa ko yung gusto ko, gusto ko yung craft ko,” paliwanag pa niya.

Ang role niya naman minsan kung hindi gay ay karelasyon ng gay.

Kuwento ni Martin, “Tsaka hindi naman ito yung parang gay role na paulit-ulit ko na lang ginagawa.

Kumbaga sa ABS [Kapamilya network] noon, gumawa ako ng transgender [role], gumawa na ako dun ng bata na sampaguita vendor.

Tapos sa Dagitab naman, gumawa ako ng parang May-December affair na parang confused.

Tapos dito naman [sa Karelasyon], user lang ako na straight na ginagamit ko yung partner ko para masustentuhan yung mga needs ko.

Yung sa Magpakailanman naman, yung transgender, na first time kong ginawa na ako naman yung na-in love sa transgender.

So, lahat iyon bago sa akin.”

VALUABLE LIFE LESSONS. May natutunan si Martin sa pagiging parte ng Buena Familia, na magtatapos na sa Biyernes, March 4.

Aniya, “Iba pa rin talaga ang support group ng family mo.

Kasi pag nandiyan ang pamilya mo, yung mga desisyon mo sa buhay, mas guided ka, ganyan.

Iba talaga pag nandiyan ang parents mo, na nagga-guide sa iyo, mga kapatid mo.”

Kuwento ng pamilya ang inikutan ng istorya ng Buena Familia.

Ang importantce ng family sa buhay natin ang natutunan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit pa kaaway, kunwari magkaaway kayo, may mga sakit ng loob... kunwari si Celine, na totoo niyang nanay si Josephine who is si Sheryl Cruz, kahit anong mangyari, nanay mo pa rin, di ba?

Nanay mo pa rin 'yan, nag-sacrifice siya para buhayin ka.

Kahit pa gaano kasakit yung naranasan mo dun sa family member na yun, pamilya mo pa rin yun,” diin niya.

BEST FRIENDS WITH KYLIE. Bakit hindi niya niligawan si Kylie?

Tugon niya, ‘Sobrang close namin na masaya kami sa isa’t isa.

Na parang feeling ko, magiging awkward lahat pag ano, e.

Malalaman mo naman yun e, sa pakiramdam mo kung ligaw na ba agad.

Pero sa ngayon, sobrang close kami, maano kami sa isa’t isa.

More than workmates lang, nagkukuwentuhan kami sa buhay ng isa’t isa.”

Matalik na magkaibigan lang daw sila ni Kylie.

Wala raw nililigawan si Martin ngayon.

ACTION SCENES. Pinakamahirap daw para kay Martin ang mga action scenes na ipinagawa sa kanya sa Buena Familia.

Kasi hindi naman talaga ako yung action star.

Pero dito sa show na ito nasubukan yung pagiging parang action star ko,” at tumawa si Martin.

Nasubukan daw ang pagiging action star ng binata sa mga eksena kunsaan inililigtas ni Harry (Martin) si Celine (Kylie Padilla) sa takbo ng istorya ng Buena Familia.

May eksena pa raw na tumalon sila ni Kylie sa gitna ng karagatan.

Kahit pagod, okay lang. Ibang klaseng experience talaga,” saad pa niya.

HAPPY KAPUSO. Masasabi ba ni Martin na nang lumipat siya sa GMA ay mas gumanda ang takbo ng showbiz career niya?

Mabilis niyang pagsang-ayon, “Opo. Masaya po ako sa GMA.

Dahil parang nare-recognize nila yung mga efforts ko, yung mga dapat ibinibigay ko sa lahat ng characters na ginagawa ko.

May mga plans, maraming mga plano.

Gusto ko yung contract, gusto kong mag-alaga sila, yung mga tao mababait, ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya mas masaya po ako.”

Kaka-sign lang ni Martin ng tatlong taong kontrata sa Kapuso network.

May gagawing dalawang indie films na ginagawa si Martin, ang Nuclear Family ni Jason Paul Laxamana kasama si Ara Mina.

Ginagawa rin niya ang isa pang indie movie with Adolf Alix, Jr. na sa Japan ang shoot.

Bukod sa pag-aartista ay tuloy pa rin si Martin sa pagiging insurance agent.

“Pero hindi lang ganun ka-active dahil sa Buena Familia po.

Tsaka mag-aaral pa rin po ako.

Third year na po ako sa UP, BroadCom.

Mag-aaral ulit, kasi nag-stop ako this sem, next sem po, sa July.

MassCom po ako dun major in Broadcasting Communication.

Medyo mas malapit sa ginagawa ko, 'tsaka mas alam ko yung takbo, nandito na ako sa loob ng industriya,” lahad pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN