Robin Padilla to work with daughter Queenie in "Totoy Bato"


When asked about the similarities between hisdaughters Kylie and Queenie, Robin told the media, "Pareho sila ni Kylie,pareho 'yan na nag-train, pareho sila na black belt. Ayaw niya lang ng style ni Kylie kasi fancy. Ayaw Queenie 'yon, gusto niya reality."



Matapos makasama ang anak na si Kylie sa katatapos na fantaseryeng Joaquin Bordado, makakatrabaho naman ng action star nasi Robin Padilla ang isa pa niyang anak na babae, si Queenie, sa susunod niyangTV project na pinamagatang Totoy Bato.

Sa press conference ng bagong produktong kanyang ini-endorso,ang LungCaire, inihayag ni Robin na makakasama niya ang kanyang masnakatatandang dalaga sa TV adaptation ng pelikulang Durugin si Totoy Bato (1979).

Bagamat hindi pa sigurado si Binoe, mas kilalang tawag kayRobin sa showbiz, kung ano ang magiging role ng kanyang anak, ibinalita namanniya na seryoso ang ginagawang paghahanda ni Queenie.

"Tuluy-tuloy naman ang ensayo niya. Graduate naman siya ng workshop sa ABS-CBN,so handa si Queenie," pahayag ni Binoe.

Bukod sa pag-arte, kilala rin ang dalawang dalaga ni Binoebilang mahusay sa Muay Thai.

Kaya naman nang tanungin si Binoe sa isyu ng pakikialam niyasa showbiz careers ng kanyang mga anak kung talent fee ang pinag-uusapan,naging totoo si Binoe sa kanyang sagot.

"Dapat lang dahil 'yong mga anak ko," tugon ni Robin. "Hindi dumating sa kanila iyon ng walangalam. Dumating sa kanila 'yon, properlytrained. Hindi lang sa Pilipinas trained iyan, hindi lang sa Australia. Kung saan-saan silang lupalop ng mundonanggaling para lang sa pag-aartista nila.

"So, kung ano man iyong hinihinging talent fee, 'yon ayiyong karapatdapat lang. At hindi rinnaman iyon mataas, hindi rin naman dapat mababa."

NO TO REMAKE OF DEAR HEART. Matatandaan na nagkaroon ng balak angViva Film na gawan ng remake ang isa sa mga sikat na Sharon Cuneta movie, ang DearHeart. Dagdag pa, isa sa mganapupusuang gaganap ng role ni Sharon ay ang 17-year-old na si Queenie.

Ngunit nang lumabas ang balitang ito, mariing tumutol angMegastar na noo'y 15 years old lamang nang ginawa ang pelikula.

Sa isang interview, pinaliwanag ni Sharon, "I have nothingagainst Queenie. My God, she's a verynice and beautiful girl at alam naman niyong naging special friends kami niRobin. But sad to say, you know howsacred and very personal ang Dear Heart sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil na rin sa pahayag na ito, hindi na pumayag pa angdating leading man ni Sharon—sa mga pelikulang Maging Sino Ka Man (1991)at Pagdating ng Panahon (2001)—na gawin ng kanyang anak ang remakeng nasabing pelikula.

Ayon sa paliwanag ni Robin, "Pinipilit siyang [Queenie]gawin pero ako, ayaw ko, siya ayaw din niya. Kasi ayaw ni Ma'am [Sharon Cuneta] , e. Nirerespeto ko si Ma'am."

Dagdag pa niya, "Ang usapin noon ay ayaw ipagawa ni Ma'am'yon, so dapat huwag naming gawin kasi respeto 'yon. 'Yong Dear Heart,sa kanya 'yon."

Gayundin, hindi na rin daw pa kailangang pakiusapan pa siMegastar pagdating sa usaping ito. Sakatunayan, paulit-ulit nitong sinabi, "Hindi po, hindi po, ayaw ko. Masyado kong mahal si Ma'am. Hindi namin pag-uusapan 'yong mga bagay naganun."

Bilang huling karagdagan, sinabi pa ni Binoe, "Kemag-usap kami ni Ma'am o hindi, ang sinabi ni Ma'am, parang sinabi ng reyna'yon. Hindi dapat mabali."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN