Kylie Padilla denies kissing Buena Familia co-star Julian Trono off-cam




Nilinaw ni Kylie Padilla ang tsismis na nahuli sila ni Julian Trono na naghahalikan sa dressing room sa set ng taping nila ng Buena Familia.

“Ma-try nga yun,” ang pabirong reaksyon ni Kylie tungkol dito.

“Kasi sa totoo lang, hindi ko alam kung paano’ng nagagawa yun, sa set, at maraming tao. Iyon.”

Kaya hindi raw iyon totoo.

“Bakit ba lumabas yun? Baka naman kiss sa cheek,” at tumawa ang GMA-7 actress.

So nahalikan na niya sa pisngi si Julian and vice versa?

“Oo naman, pag nagpapaalam, ‘Bye!’” at muli itong tumawa.

Nakausap namin si Kylie sa last taping day ng Buena Familia sa New Manila sa Quezon City.

Dahil matatapos na ngayong Biyernes ang Buena Familia sa GMA-7, tinanong namin si Kylie kung ano ang natutunan niya mula sa show, partikular sa direktor nilang si Gil Tejada, Jr.

“Ang pinakagusto ko kay Direk Gil, binibigyan niya ng freedom yung mga artista niya. Like siyempre iba–blocking ka niya, sasabihin niya kung paano niya nakikita yung eksena tapos if ever man may suggestion ka makikinig siya and he’ll give you the freedom to execute your way.

“Pero kung hindi niya nagustuhan nagti-take two. Pero siyempre you still have, meron ka pa ring freedom of your choice on how to perform the scene.

“So maganda.”

Napagalitan na raw siya ni Direk Gil.

“Pag masyado akong nagdyu-joke sa set,” at natawa si Kylie. “Pero hindi naman yung, hindi naman kasi si Direk yung masigaw, yung ganun, ano lang siya, ‘Hmmm! Makinig, makinig!’

“Gumaganun-ganun lang siya.”

Hiningan naman namin ng reaksyon si Kylie tungkol sa nude photo ni Martin del Rosario na kumalat sa social media.

Si Martin ang love interest ni Kylie sa Buena Familia.

“Hinarap ko na siya tungkol diyan.”

Nakita ba niya ang naturang malaswang larawan ni Martin?

“Hay Lord,” at humalakhak si Kylie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Let’s just say hindi ko nakita,” ang tumatawang sinabi pa rin ni Kylie.

“Hindi kasi, hindi ko naman… yung nakita ko pero hindi ko sinearch para tingnan ko, may nagpakita lang sa akin.”

Ano ang reaksyon niya pagkakita niya sa larawan?

“Gusto ko lang siyang puntahan at sabihin sa kanya na , ‘Tol, okay lang yan. Lahat tayo may ganyan.’

“Uy, joke lang,” at tumawa muli si Kylie.

Paano niya kinumpronta si Martin?

“Siyempre alam naman natin si Martin mahiyain pero sinabi ko naman sa kanya na, ‘Marami ka namang kasabay na lumabas na ganyan!’

“Hindi, joke lang,” ang tumatawa pa ring sinabi ni Kylie.

“Hindi, hindi, kasi ang stand ko kasi if a normal person ginawa yun, wala, hindi siya big deal. Pero pag artista ka kasi, nagiging big deal. Sabi ko sa kanya ‘I-handle mo na lang ng maayos, huwag kang…’

“Alam mo yun, ayokong sabihing it’s normal pero… sige in our generation it’s normal yung may ganun.

“So huwag niya masyadong i-take na alam mo yun, na masakit na nalaman o mahiya kasi, c’mon!”

Ano ang sagot sa kanya ni Martin?

“Nahihiya pa rin daw siya pero inamin naman niya na siya yun.”

Humanga raw si Kylie sa katapangan ni Martin na umamin.

“Oo naman!

“Ang hirap namang itanggi kung kita yung mukha mo.”

May nagbiro kay Kylie na mabuti at walang scandal si Aljur Abrenica.

“Wow! Kumusta na yun? May balita kayo dun,” ang tumatawang pangungumusta ng dalaga sa ex-boyfriend.

Wala raw silang komunikasyon ni Aljur sa ngayon.

Samantala, umalis si Kylie patungong Australia noong March 1 para magbakasyon. Tatlong linggo siyang mananatili doon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN