Mavi Lozano feels AlDub's popularity hasn't waned; Spogify winner admits crush on Maine Mendoza

Mavi Lozano doesn't believe that AlDub's popularity has declined, although he says, "Pero siguro, opinion ko lang, siguro kung magbibigay ng ibang atake ulit ang Eat Bulaga, siguro ay mas maggu-grow pa ulit. Iyong parang ibang anggulo ng love story nila. Kasi kung pare-pareho ang mapapanod ng mga tao, siguro ay mananawa rin ang ibang tao."



Aminado si Mavi Lozano na malaki ang pagbabago sa kanya mula noong naging Spogify winner siya ng Eat Bulaga.

Ang Spogify ay singing contest ng Eat Bulaga na nagsimula noong huling bahagi ng 2015. Ito ay play on words kunsaan pinaghalo ang mga salitang Spotify, isang music streaming service, at ang salitang “pogi.”

Si Mavi ang idineklarang grand winner ng Spogify noong January 9.

“Sobrang laki po ng pagbabago.

“Kasi noong exclusive ako sa TV5 before, never ko naranasan yung ganito, e.

“Dati pag lumalabas ako ng mall, may makakakilala sa akin, but not by my name.

“Ngayon, mula nung naging grand winner ako ng Spogify, minsan nag-oorder lang ako sa isang fastfood, minsan may tumatawag sa akin, ‘Oy, si Mavi Lozano ng Spogify!’ Ganun po.

“Ang sarap lang sa feelings, kasi eight years na ako dito sa showbiz, e.

“Ngayon ko lang naranasan itong ganito. At dahil ito sa Eat Bulaga po,” pahayag ni Mavi.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan si Mavi sa isang fastfood chain sa Timog, Quezon City.


GRATEFUL. Ipinahayag din niyang malaki ang utang na loob sa Eat Bulaga.

“Nag-eenjoy ako nang husto sa career ko at hindi ko ito iniisip na trabaho.

“Kasi, passion ko talaga ito, e.

“Ako po, malaki ang pasasalamat ko sa Eat Bulaga dahil kung hindi dahil sa kanila, hindi ko mararansan ang lahat ng nararansan ko ngayon sa career ko,” saad ng singer/actor.


HUMBLE BEGINNINGS. Si Mavi ay nagsimula sa showbiz bilang extra sa pelikula kahit na movie producer ang kanyag ina.

Kuwento niya, “At first nagta-talent ako sa film dati, as in passersby, extra.

“Kasi yung mom ko bilang producer, ayaw niya akong pag-artistahin before.

“Pero gusto kong mag-artista talaga, kaya sabi niya, dapat akong matuto sa sarili ko.

“Kaya nung 2008, sumabak ako sa mga audition. 3rd year high school ako noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, nakita ako ni Direk Joel Lamangan at binigyan niya ako ng role sa pelikula nina Richard Gutierrez at KC Concepcion.

“I played the younger brother of KC sa When I Met You. Iyon bale ang first film at unang role na nagampanan ko bilang artista.”

After this ay sumabak siya sa indie film na Flames of Love bilang leading man ni Valerie Concepcion.

Gumanap din siya sa mga pelikulang El Presidente (bilang young Ronnie Lazaro), at Sigaw sa Hatinggabi ni Direk Romy Suzara, starring Regine Angeles.

“Ngayon po, mayroon akong upcoming film, directed by Sigfreid Barros Sanchez, yung Magtanggol nina Tom Rodriguez, Ejay Falcon.

“I play the role of Cookie, na rival ni Albie Casiño. Tungkol ito sa mga OFW na pinagmamalupitan at tinutulungan ng politician,” lahad niya.

Mula rito, sumali si Mavi sa Star Factor ng TV5 at nang natanggal bilang isa sa 18 hopefuls, nagkaroon siya ng TV show sa Kapatid Network.

“Nang natanggal ako rito, nagkaroon ako ng first teleserye sa TV5, sa Bangis ni Oyo Sotto. Ako yung main kontrabida kasama ni Yul Servo.

“Pero before that, marami na rin akong TV guestings sa TV5,” kuwento pa niya.

Si Mavi ay naging bahagi rin ng mga TV5 shows tulad ng Hey It’s Saberdey, Sunday Funday, PO5, at Madam Chairman ni Sharon Cuneta.


MUSICAL TALENT. Siya ay dating kumuha ng kurso ukol sa musika sa University of the Philippines, ngunit plano niyang kumuha ngayon ng culinary course. Bukod sa pagkanta ay composer din siya.

“May banda po ako, Zygnet Band and I’m the chief writer. Ang tinutugtog namin ay puro original.

“Ako ang nagsusulat ng mga kanta namin, ang genre namin, funky blues, soul jazz.

“So hindi masyadong pang-masa, pero may songs din ako na ginawa na Tagalog,” pagmamalaki niya.


ON NOONTIME SHOW RIVALRY. Anong masasabi niya sa competition between Eat Bulaga at It’s Showtime?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, “Para sa akin, wala naman talagang competition sa dalawang shows, e.

“Siguro sa mga manonood na lang iyon, sa fans.

“Kasi ang Eat Bulaga, never … hindi naman talaga sila… well, siyempre ay kailangan nilang mag-put-up ng show na papanoorin talaga ng mga tao.

“Pero sa tingin ko talaga, lalong lumakas ang EB dahil sa Aldub.

“Ang laking factor ng Aldub sa Eat Bulaga.

Sinabi rin ni Mavi na maganda ang timing ng pagkapanalo niya sa Spogify.

Pag-amin niya, “Opo, mainit na mainit kasi lalo ngayon ang EB dahil sa Aldub.

“Feeling ko, nagpalaki sa exposure naming Spogify, yung dahil minsan ay pinapasok kami sa segment ng Kalyserye, e.

“Siyempre, iyon ang pinapanood ng mga tao, kaya feeling ko ay nakatulong iyon para makilala kaming lahat.”


CERTIFIED ALDUB FAN. Ano ang masasabi mo ni Mavi tungkol kay Alden Richards?

Aniya, “Napakabait po ni Alden.

“Noong first time ko siyang makita, ramdam mo talaga yung pagod niya, dahil kaliwa’t kanan ang shows niya.

“Pero kahit pagod siya talaga, doon mo makikita yung sobrang passion niya sa kanyang trabaho.

“Sobrang nakikita ko kay Alden na mahal niya ang ginagawa niya at sobrang mahal niya ang fans, kaya nakakatuwa talaga.”

Ano naman ang masabi niya kay Maine Mendoza?

“Si Maine, hindi ko pa siya nakakausap, pero crush ko siya,” nakatawang wika ni Mavi.

Bakit niya crush si Maine?

“Wala lang, parang naku-cute-an lang ako sa kanya.

“Kasi, kakaiba si Maine, e. Kakaiba siya sa mga artistang sobrang sikat.

“Ang tingin ko kasi kay Maine, simple lang kasi siya, pero may ibubuga,” deklara niya.

Paano kung magalit si Alden dahil sa pag-amin niya?

Natawa muna siya bago sumagot, “Hindi naman po, crush lang naman, e. Hahaha!”

E, kung mag-react o magalit ang Aldub fans?

“Feeling ko ay hindi naman po sila magagalit, kasi crush lang naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko naman susulutin kung mayroon man silang…hahaha!

“Ako naman kasi siyempre, iniidolo ko rin kasi si Maine as artista rin,” pahabol pa niya.


WANING POPULARITY? May ibang nagsasabi na humihina na raw ang popularity ng AlDub. Ano ang reaksiyon niya rito?

Pag-aanalisa niya, “Sa tingin ko ay hindi naman po.

“Pero siguro, opinion ko lang, siguro kung magbibigay ng ibang atake ulit ang Eat Bulaga, siguro ay mas maggu-grow pa ulit.

“Iyong parang ibang anggulo ng love story nila.

“Kasi kung pare-pareho ang mapapanod ng mga tao, siguro ay mananawa rin ang ibang tao.

“Pero sa tingin ko naman, ngayon ay malakas na malakas pa rin ang AlDub.

“Nagkakagulo pa rin sa kanila ang mga tao, e. Katulad kanina, nung napanood ko.”

AlDub fan din daw siya bago sumali sa Eat Bulaga.

Pagmamalaki niya, “Opo, Aldub fan ako, kami ng daddy ko.

“Kahit hindi pa ako nag-Spogify, kami ng dad ko ay fan ng Eat Bulaga. EB talaga ang pinapanood namin, dati pa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN