Mike Tan says about Andrea Torres: "Siya ang nagdala ng kissing scene namin."



Ang huling teleserye ni Mike Tan, tumatak ang kanyang gay character sa The Rich Man’s Daughter.

Matapos gampanan ang bading na si Paul Tanchingco sa TRMD, ano naman kaya ang pwedeng abangan ng mga manonood sa bago niyang teleserye, ang The Millionaire’s Wife? Nakatakda itong ipalabas sa GMA-7 ngayong Lunes, March 14, kapalit ng Destiny Rose.

Si Mike ay gaganap bilang Ivan Meneses, ang tunay na ama ng anak ni Andrea Torres pero dahil nakulong, hindi nito nalaman na may anak pala siya.

“Actually, hindi mo alam kung galit lang ba siya o galit siya na may concern sa ‘yo. Ganun ko ina-attack si Ivan. Ayoko ng malungkot, malungkot. Galit, pero may love.

“Kasi, very rough ang attitude niya.

“Yung ugali niya kung saan siya lumaki, mababa ang pinag-aralan niya. Kaya sinasabi ko palagi na madali siyang mamisinterpret ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ganun yung character ng role ko rito.”

Girlfriend niya ang karakter ni Andrea na gumaganap bilang si Louisa Ignacio. Wala na raw siyang alam na nagka-anak siya rito nang makulong siya dahilo sa illegal drugs at wala rin alam si Andrea kung nasaan siya.

Nang magipit, tila nagpakasal ito sa isang milyonaryong matandang lalaki na ginagampanan naman ni Robert Arevalo.

Mabait ba ang karakter ni Mike Tan sa The Millionaire's Wife?

“Mabait ako rito, pero naninigaw ako rito. Yung nanay ko rito, tuwing kinakausap ko, sinisigawan ko,” saad niya.

Unang pagkakataon pa lang na magkasama sa isang teleserye at maging magkapareha nina Mike at Andrea. Pero nagkasama na rin daw sila sa isang episode ng Magpakailanman.

“First time namin sa soap, sa mahaba. Pero nagkasama na kami sa Magpakailanman.”

Ang unang eksena raw nila na kinunan ni Andrea ay ang kissing scene na nila.

Hindi ba sila nagkailangan bilang may non-showbiz girlfriend si Mike at nali-link naman si Andrea sa isa pang Kapuso star na si Sef Cadayona?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Mike, “Hindi kami nagkailangan pero baka mas nailang pa ko. Kasi siya, bilang babae, nirerespeto ko siya. At gusto ko lang din malaman kung ano ang limitasyon ko bilang lalaki kapag umaarte kami.”

Tinanong ba niya si Andrea?

“Sa totoo lang, hindi,” saad niya.

Kuwento pa ni Mike, “Alam mo sa totoo lang, yung kissing scene namin, nakaganito lang ako sa kanya. Hindi ko siya matingnan sa mata. Tiningnan ko lang siya nung action na.

“Basta ganun talaga ko, hindi ako nakikipag-eye-contact kapag hindi pa action. Pero kapag nagbilang na, saka lang ako nakikipag-eye contact. Mas dun ko nararamdaman, hindi ako yung titigan muna.”

Pag-amin din ni Mike, “Mas nailang ako noong simula kasi, yun nga, babae siya at hindi ko alam kung ano ang limitasyon ko.

“Hindi sinabi sa amin ni Direk Albert [Langitan] kung anong klaseng kissing scene. Pero automatic na rin naman.”

At saka niya isinunod na, “Sa totoo lang, si Andrea ang nagdala ng kissing scene namin.”

Pero pinabigyang-linaw namin kay Mike ang sinabi niya dahil baka isipin ng makakabasa na parang pinalabas niyang “expert sa kissing scene” si Andrea.

“Ang ibig kong sabihin, ayoko kasing mag-take advantage. Ayokong makita ako na ganung klase ng actor na pag-action, ganun na. Pero tingin ko, bilang professional, nagawa namin ni Andrea na mas maayos ang scene.”

Ang The Millionaire’s Wife, na mapapanood na ngayong Lunes, ay sa ilalim ng direksiyon ni Albert Langitan at kasama rin sa cast sina Robert Arevalo, Rich Asuncion, Jaclyn Jose, Ina Raymundo, at Sid Lucero.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN