Andrea Torres on love scene with Mike Tan: "Ako ang nasa ibabaw..."

Andrea Torres says about The Millionaire's Wife, her upcoming teleserye with Mike Tan: "May ganun akong eksena. Nag-breastfeed ako in public."




Hindi pa naranasan ni Andrea Torres na may mayamang matandang lalaki o DOM (dirty old man) na nag-alok sa kanya ng karangyaan kapalit ang pagmamahal niya.

“Wala! Wala po talaga. Wala rin kasi ako sa ganung environment, hindi po ako nalalagay sa ganung environment, e. Lagi naman akong, kundi kasama ang mommy ko, kasama yung mga ka-work ko rin o handler.

“So parang wala ring ano, hindi rin ako nakakarating sa mga sketchy na lugar.

“Wala.”

Pero hindi naman sinasabi ni Andrea na imposibleng magkagusto o magmahal siya ng isang lalaking mas may edad sa kanya.

“Feeling ko sa ganung bagay, pag love hindi mo alam kung hanggang saan ka puwedeng magmahal talaga. So mahirap magsalita. Kasi minsan dyina-judge natin pero pag nakita mo super-happy nila, sobrang okay na okay sila.”

Si Andrea ba ay happy ngayon?

“Happy! Happy naman kami sa The Millionaire’s Wife,” at tumawa ang aktres sa interview na ginanap sa presscon ng The Millionaire’s Wife sa GMA Network Center.

Bida rito si Andrea bilang si Louisa Ignacio, si Mike Tan ang gumanap na Ivan Meneses at si Robert Arevalo ay si Alfredo Vergara.

Wala silang love scene ni Robert na gaganap na milyonaryong mapapangasawa niya pero may love scenes sina Andrea at Mike na gumaganap na magkasintahan sa unang bahagi ng kuwento ng The Millionaire’s Wife.

“Ang nakakatawa dun ako ang nasa ibabaw,” at tumawa si Andrea. “First time, first time na yung girl ang parang…

“Hindi naman aggressive, basta yun lang yung nakalagay sa script.

“In love lang sila sa isa’t-isa,” pagtukoy niya sa karakter nina Louisa at Ivan.
“Tastefully done.”

Wala raw siyang kinailangang pagpaalaman bago gawin ang naturang love scene nila ni Mike. Wala rin daw magseselos.

Sa The Millionaire’s Wife ay unang beses ni Andrea na gumanap bilang nanay.

Paano siya napapayag na gumanap ng mother role?

“Ang ganda ng story kasi, e.”

May eksena rin daw na nagbe-breastfeed siya.

“Di ba nagka-isyu ng ganun, yung nagbe-breastfeed in public? May ganun akong eksena. Nag-breastfeed ako in public.”

At dahil sa role niya, malamang maraming DOM na magkakagusto sa kanya; handa ba siya na dumami ang mga admirers niyang DOM?

“Okay lang yun, oo, okay lang,” at tumawa ang dalaga.

Mapapanood na ang The Millionaire’s Wife simula sa Lunes, March 14, sa GMA Afternoon Prime.

Sa direksyon ni Albert Langitan, kasama rin dito sina Jaclyn Jose bilang si Stella Vergara-Montecillo, Sid Lucero bilang Jared Montecillo, Ina Raymundo bilang Allison Montecillo, at Rich Asuncion bilang Rio Samson. 


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN