Direk Richard Somes on KimXi: "Yung sinabi ni Xian na love is in the air, I think mayroon."

One of the many good things that have have happened to Richard Somes as director of The Story Of Us is finding a kindred spirit in Xian Lim, "We share the same things in terms of hilig… paintings, scuplture. Yun ang mga talk namin, at pareho kami na marami ding mga struggles in life kaya nakaka-relate kami."


Nagpapasalamat si Direk Richard Somes na binigyan siya ng chance ng ABS-CBN na idirek ang Primetime Bida teleserye na The Story Of Us na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Xian Lim.
  
Lahad niya, “Siyempre amazing pa rin na feeling na may binibigay ka na bago sa television.

“Yun naman ang challenge sa direktor, ano ba ang bago na puwede mong ibigay?

“I’m so thankful na yung opportunity na ‘yan, binigay sa akin.

“At least, napanindigan ko na naman.

“Sa tulong ng mga artista, ng production, ng ABS, mas nagiging dream come true yung vision mo.”
 
Papuri naman ang binigay ni Direk Richard kina Kim at Xian sa nakikita niyang professionalism at husay sa pagtatrabaho ng dalawa.
  
“Totally amazing, I work naman with lots of actors also and I cannot quantify or compare.

“Ang masasabi ko lang about my experience sa kanila is a totally different thing.

“Most especially kami ni Xian, we share the same things in terms of hilig… paintings, scuplture.

“Yun ang mga talk namin, at pareho kami na marami ding mga struggles in life kaya nakaka-relate kami.

“We have that moment palagi, one-on-one, heart-to-heart talks… yun ang naging easier for me.
   
“With Kim naman, of course, the princess, I’m so thankful to be working with her.

“What’s amazing kay Kim kasi is her persona, yung totoo niyang personalidad at the same time yung acting niya.

“Ang galing ng acting prowess niya dito, at the same time, she’s beautiful.

 

LOVE IS IN THE AIR. Sa presscon ng The Story Of Us, nabanggit ni Xian na hindi na niya bibigyan ng label ang relasyon nila ni Kim pero nagmamahalan silang dalawa.

Nang tanungin namin si Direk Richard kung nakikita ba niya na may espesyal na namamagitan sa dalawa, di naman tinago ng direktor na ramdam niya ang pag-ibig ng mga ito sa set.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero mas maganda na ipaubaya na lang ito sa dalawa.

Aniya, “Ako I would rather leave it that way and allow them to enjoy kung anuman ang sa kanila ngayon.

“Allow them to explore at makilala nila ang isa’t-isa.

“But I think kung ano yung sinabi ni Xian na love is in the air, I think mayroon.

“Xian is very much a gentleman and Kim, talagang prinsesa.

“Si Xian pinapakita niya kung paano talaga siya mag-alaga as a gentleman sa isang babae.

“Medyo old soul si Xian, so maalaga, pinaninidigan niya yung pagiging gentleman niya.

“Yung comfort binibigay niya, I think that’s the best thing na madi-discover mo sa relationship nila.

“With Kim naman, sobrang maalaga naman siya.

“I would  rather na i-qualify ko o bigyan ko ng kung ano yun.

“As long as they are happy and I think walang pressure, they just like to work around it.

“Who knows kung saan papunta yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN