Andrea Torres ends longtime tandem with Mikael Daez: "Pareho kaming okey sa idea."

Andrea Torres is being paired for the first time with Mike Tan, what happens now to her tandem with Mikael Daez? "Sobrang sanay na kami 'tapos yung mga tao rin, taken as one na kami. So at least, para may ibang side naman na makita… Para mag-grow rin," she says.


Isang taon din bago nasundan ang huling pinagbidahang serye ni Andrea Torres na Ang Lihim ni Annasandra.

Ngayon ay bida siya ulit sa bagong afternoon series ng GMA Network na The Millionaire’s Wife

Pahayag ni Andrea sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “One year halos, pero hindi naman ako nainip.

“Kasi after ng Annasandra, physically at emotionally draining din yun.

“Parang nag-look forward din naman ako na Bubble Gang, makapag-guesting din.
 
“Pero siyempre, darating din ang time na mami-miss mo rin.

“Pero hindi naman nainip kasi ang GMA naman, maalalay.

“Kapag nagtatanong ka, palagi naman may reason kung bakit, wala namang room for being negative.”
 
Dahil nagbida na siya, kailangang pambida pa rin ang susunod niyang gagawin?
 
Saad ni Andrea, “Sila naman po kasi ang nagde-decide, hindi ko rin alam kung ano ang naiisip nila for me.

“But I know I’m in good hands, hindi naman ako yung nagsasawa ako or naiinip na puro ako ang bida.
 
“Kasi iba-iba naman ang roles.”

NEW LEADING MAN. Masaya rin si Andrea na si Mike Tan ang leading man niya sa The Millionaire's Wife.
 
Sabi niya, “Maganda yung teamwork, suportahan talaga.

“Kapag nag-uusap kami tungkol sa work or gagawing eksena, walang nagkakahiyaan or hindi nagbibigay.

“Parang talagang nagtutulungan kami.”
 
Hindi ba nakakapanibago dahil matagal din silang naging magkapareha ni Mikael Daez?
 
“Hindi,” nakangiti niyang sabi. “Hindi talaga.

“Kasi bago pa mabigay ‘to, ang dami ko na rin guesting na iba-iba yung partner.

“Parang naano na rin na hindi naman from Mikael, iba na.”
 
Natutuwa rin ba si Mikael na naipapareha na si Andrea sa ibang aktor?
 
Ayon kay Andrea, “Pareho kami. Nag-usap kami actually.

“Pareho kaming okey sa idea, para mag-grow rin.

“Kasi siyempre, sobrang sanay na kami, tapos yung mga tao rin, taken as one na kami.
 
“So, at least, para may ibang side naman na makita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Happy ako na nagkasabay pa kami ng project.

“May Poor Señorita siya at may The Millionaire’s Wife naman ako.”

KISSING SCENE. Ano ang reaksiyon ni Andrea na tipong nailang daw si Mike sa kissing scene nila dahil unang eksena nila itong ginawa?
 
Si Andrea raw kasi ang nagdala ng kissing scene nila dahil hindi sila nakapag-usap tungkol dito kaya hindi malinaw kay Mike kung may limitasyon ba siya.
 
Nagulat naman si Andrea sa nalaman.

“Talaga? Hindi ko siya na-feel.
 
“Ako, wala lang, parang game lang, 'Sige, Direk.'

“Pero nakakatuwa naman na yun pala ang iniisip niya. 

“Hindi ko na-feel na nailang siya sa akin, hindi ko na-feel, totoo.”
 
Nakaka-pressure din daw kay Mike na si Andrea ang leading lady niya dahil sa kaseksihan nito, kaya dapat ay makasabay rin siya.
 
“Grabe naman!” natawang reaksiyon ng aktres.
 
“Hindi, a, ano si Mike ngayon… actually, ako nga ang hindi nakakapag-gym dahil halos four times a week kami [nagte-taping]. 

“Gym ko na lang ngayon ang pag-akyat ng mansion na napakataas.”

FOR LOVE OR MONEY. Ang karakter nga ginagampanan ni Andrea sa The Millionaire’s Wife ay pumayag magpakasal sa lalaking mas matanda sa kanya at hindi niya mahal, para matustusan ang pangangailangan ng anak niyang may sakit.  

Kung mangyari ito sa kanya sa totoong buhay, gagawin din ba niya ang ginawang ng karakter niyang si Louise?
 
Tugon niya, “Kung ako, hindi… sa tingin ko, kung ano kasi ang trabahong inilabas mo at pursigido ka, eventually makukuha mo rin yun. 

“Pero ang maganda rin kasi rito, makikita mo ang other side na, oo nga naman, kailangan din.”

Kumusta naman katrabaho ang veteran actor na si Robert Arevalo, na gumaganap bilang mister niya?
 
“Masarap, masarap,” nakangiting sabi ni Andrea.
 
“Actually, sobrang sa lahat sa kanilang lahat, pati si Ms. Jaclyn Jose, off-cam, may bonding talaga.”
 
Hindi siya nailang na kaeksena si Robert?
 
“Hindi, kasi sa naging role ko sa Pari ‘Koy, parang ganun. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya sabi ko nga, ang galing, minsan yung mga guestings, nagiging preparation din talaga.”

Nagsimula nang mapanood ang The Millionaire's Wife nitong Lunes, March 14, pagkatapos ng Hanggang Makita Kang Muli.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN