Regine Velasquez, happy to make teleserye comeback after five years



Thankful si Regine Velasquez dahil light-comedy-drama ang ibinigay na bagong teleserye sa kanya ng GMA Network.

Ito ay ang Poor Señorita na magsisimula sa March 28, kapalit ng Little Nanay.

Ayon kay Regine, tamang-tama lang daw dahil limang taon din siyang hindi umarte sa teleserye.

Huling teleserye ni Regine ay ang I Heart U Pare noong 2011.

“First of all, I like to thank GMA-7 for allowing me to be a mother to my son Nate for four years.

“Siguro ngayon lang nila na-realize na binabayaran pala nila ako na hindi ako nagtatrabaho! Kaya heto work na tayo ulit!” malakas na tawa pa niya.

Inamin ni Regine na nag-a-adjust pa rin siya sa pagtrabaho ulit sa teleserye.

“Medyo nakakasanayan ko na ulit. Five years din kasi akong hindi nagtrabaho ng ganito, e. Nakakapanibago kahit kanino.

“Mabuti na lang at okay ang working relationship ko with Direk Dom [Dominic Zapata] na nakatrabaho ko sa ilang teleserye na. Sanay na siya sa akin.

“Unlike before na masyadong physical ang comedy ko, ngayon pahinay-hinay na lang.

“Alam niyo na, kapag shomoshonda na limitado ang puwedeng gawin.

“E, ang katawan ko, hindi na rin tulad ng dati kaya nag-iingat din ako.”

Ang matagal ng sakit na migraine ng Asia’s Songbird ang dahilan kung bakit hindi siya puwedeng magtrabaho lagpas ng kanyang cut-off time na alas dose ng gabi.
Simula noong magteleserye si Regine, mayroon na raw talaga siyang cut-off time dahil hindi raw siya puwedeng mapagod ng husto dahil susumpong daw ang kanyang matagal nang dinadaing na sakit na migraine.

“Ever since naman, hanggang alas-dose lang ako ng gabi nagtatrabaho kapag may teleserye ako.

“Kasi if I work beyond midnight, doon na ako nagkakasakit.

“Matagal na akong may migraine at naku-control ko naman through medicine. Pero mas okay sa akin kung mas nakakapagpahinga ako ng matagal.

“Kung pagtatrabahuin mo ako hanggang madaling-araw, hindi ko kakayanin talaga. Kahit sino naman, di ba?

“Pag mga ala-una o alas dos ng umaga, parang wala ka nang lakas. Iniisip mo na lang ang matulog ka na.”



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN