Regine Velasquez on kissing scene with Mikael Daez: "Meron talaga, hindi ko dinadaya yung mga ganun."



Matapos ang limang taon, nagbabalik primetime si Regine Velasquez para sa GMA-7 dramedy titled Poor Señorita.
 
May kissing scene si Regine sa kanyang leading man na si Mikael Daez at masasabing pagkatapos niyang manganak kay Nate, ngayon na lang yata muling mapapanood si Regine na may ka-kissing scene.
 
Kaya ang tanong kay Regine noong presscon ng Poor Señorita ay kung daya lang daw ba ang kissing scene nila ni Mikael.
 
“Meron talaga, hindi ko dinadaya yung mga ganun,” ang buong ningning na sagot ni Regine.
 
“Todo na! Ano ba!” biro pa niya.
 
Pero may karapatan na rin ba siyang tumanggi sa isang eksena kung ayaw niya?
 
“Yung mga ganyan namang kissing scene, hindi naman ako 16, pero alam ko naman kung hanggang saan ang limitations. Smack lang naman yun, hindi naman talaga—patatagalin mo lang ng konti.
 
“At saka, on TV naman kasi, it doesn’t look nice yung totoong kiss. Malaswang tingnan. So, there’s a way of doing it na nakakakilig, romantic.”
 
Kailangan pa rin ba niyang humingi ng permiso sa Mister na si Ogie Alcasid sa mga ganoong eksenang gagawin niya?
 
“No,” saad ni Regine.
 
“My husband is like the most game and we all know him, hindi kailangan. At saka, alam naman niya yun.  Medyo takot lang ako kay Nate.
 
“Siyempre, he will be asking questions na, why Mom?”
 
Anong isasagot niya sa anak?
 
“Well, hopefully hindi niya mapanood. If he does, then I do have an answer to that. I just need to explain that it’s just work. Mommy is just playing pretend.
 
“Alam na kasi niya yung pretend, na-establish ko na yun sa kanya. So at least, I can use that word na Mommy is just pretending.”
 
Ilang taon na hindi siya gumawa ng teleserye. Pero sa kabila nito, siguradong marami na rin namang inaalok ang GMA-7 sa kanya.
 
Perfect material lang ba ang Poor Señorita na nagustuhan niya o perfect timing lang na puwede na siyang mag-soap?
 
“Siguro all in all, perfect project, perfect timing, yun lang yun.”
 
Siya na rin ba ang pumili kay Mikael bilang leading man niya?
 
“Ah no, actually sila na ang pumili dahil wala rin naman akong idea. Ang tagal ko rin nawala so hindi ko na alam kung sino ang dapat na partner.”
 
Bagets na talaga ang leading man niya.
 
“Yes, bagets na bagets!” sabi niya.
 
“Pero okay lang yun kasi, it’s also good to work with other people. People that I’ve never worked with. So kinakausap ko nga si Direk Dom [Dominic Zapata] at saka siya na we have to work on our chemistry.
 
“Pero parang umpisa pa lang, meron na. Wala pang kilig, pero nagkakaroon na.”
 
Mapapanood din ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa teleserye bilang special guest.
 
Ang huling teleserye ni Regine bago mabuntis ay ang I Heart You Pare na si Dingdong din ang kapareha niya.
 
“He’s a guest, special participation. Parang kasi nga yung last soap ko, with Dingdong din."

Light drama o comedy ang tema ng Poor Señorita na magiging pangatlo na sa mga primetime series ng GMA-7 na ganito ang tema. Napapanood na nga ang That’s My Amboy at Because of You.
 
Sa tingin niya, yung mga ganitong genre na talaga ang gusto ng manonood lalo na sa primetime?
 
“I think, talagang dito sa GMA, they want to do more light at yung favorite kong show ngayon, yung That’s My Amboy.  Kilig na kilig ako, ang cute-cute.
 
“I think, yun talaga ang direction ng network, primetime which is good.  Siyempre, gusto mo namang relax. May konting kurot, pero feel good.”
 
Sa kuwento ng bago niyang primetime series, bigla na lang niyang nalaman na may cancer siya at may taning na ang buhay niya.
 
Naitanong tuloy sa kanya kung sa totoong buhay, pinaghahandaan na rin ba niya ang mga ganitong puwedeng mangyari sa kanya.
 
Nagkaroon siya ng realization bilang maikli lang talaga ang buhay.
 
Ayon kay Regine, “It’s good to be prepared. Like kami ng asawa ko meron kaming mga health insurance, meron kaming insurance for Nate. Pero you don’t want to think that way kasi, you always look for the best.
 
“But what I said, it’s good to be prepared kasi, ayaw mong i-burden yung mga taong iiwan mo.”
 
May bucket list din siya?
 
“Wala,” mabilis niyang sagot.
 
“Kasi ako, lahat ng maisip kong gawin ginagawa ko. Especially noong single ako, nagawa ko na yung lahat. Now that I have a family, I have my husband, my son, ine-enjoy ko being a wife and I’m enjoying being a mother.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN