Jillian Ward looks forward to singing with Regine Velasquez for upcoming teleserye

Jillian Ward admits getting starstruck while working with Regine Velasquez-Alcasid for GMA-7's new series, Poor Señorita: "Medyo ninenerbiyos po kasi ano po, e, sobrang idol ko po siya tapos bigla na lang pong nagka-work po kami. Lagi nga po akong nakatitig sa kanya."

 



Unang beses na makakatrabaho ni Jillian Ward si Regine Velasquez-Alcasid sa bagong teleserye ng GMA-7, ang Poor Señorita.

Sabi niya, “Pero nagkita na po kami dati po, nung bumisita siya sa amin ni Tito Ogie po.”

Nakatrabaho na kasi ni Jillian ang mister ni Regine na si Ogie Alcasid sa Daldalita noong 2011.

Sobrang proud po kasi idol ko po talaga siya, e.

Araw-araw ko pong pinapakinggan yung mga kanta niya,” pagmamalaki niya.

At si Jillian, bukod sa mahusay na young actress ay mahusay ring umawit.

Kaya masaya rin si Jillian na may mga eksena sila sa Poor Señorita na kakanta sila.


HONING HER SINGING TALENT. Napag-uusapan nga raw nila ni Regine ang tungkol sa pagkanta ni Jillian.

Kuwento ng dalagita, “Mag-practice lang daw po ako araw-araw.

Yun lang daw po, mag-practice po ako ng mga kanta para daw po marami akong alam na kanta.

Tapos iyon po, practice lang daw po, para daw po yung boses ko raw po, mas maalagaan ko.”

Alam daw ni Jillian ang kuwento na noong bata pa si Regine ay inilulubog ito sa dagat at pinakakanta roon kaya mas lalong tumaas ang boses niya.

Nagawa na ba iyon ni Jillian?

Aniya, “Hindi pa po.”

Kung sakali, papayag ba siyang gawin niya iyon?

Opo naman po.”


NEW KAPUSO TWEEN QUEEN? Eleven years old na si Jillian, at marami ang nagsasabing siya ang nakalinya para maging bagong Tween Queen ng GMA, ang titulong sa ngayon ay hawak ni Barbie Forteza.

Sana nga po, iyon excited na po ako.

Tsaka mas gagalingan ko pa po para po mas magustuhan po ako ng mga tao po at tsaka mas mapasaya ko po yung mga tao.

At tsaka iyon, sana po sumuporta lang po sila lagi sa akin,” panalangin niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jillian presscon ng Poor Señorita sa GMA Network Center.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TOO YOUNG FOR LOVETEAM. Wala pa sa isip ni Jillian ang pagkakaroon ng onscreen partner o ka-loveteam dahil eleven years old pa lamang siya.

Enjoy lang po na baby po lang ako,” at tumawa si Jillian.

Bukod sa pag-aartista ay nag-aaral si Jillian ngayon.

Sa Westwood International School po sa may Clark po sa Pampanga.”

Grade Four ngayon si Jillian.

Homestudy po ako.”


BEAUTY QUEEN IN-THE-MAKING? Nais rin ni Jillian na maging isang beauty queen sa tamang edad.

Why not po?” at tumawa ang batang aktres.

Puwede rin naman po.”

Ang Filipina Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach ang idolo ni Jillian among the beauty queens.

Ani Jillian, “Ang ganda niya po, e.”

Sa taping ng Poor Señorita ay ang mga kapwa niya child stars ang nakaka-bonding niya; sina Miggs Cuaderno bilang Apol, Zymic Jaranilla bilang Rambo, at Caprice Cayetano bilang Girlie.

Kasi sila po yung ka-eksena ko lagi, kami pong lima.

Masaya lang po palagi sa tent kapag break, nagkukulitan lang po, kumakanta-kanta,” lahad niya.

Gumaganap naman dito bilang si Charisse si Jillian at si Regine ay ang bidang si Rita Villon.

STARSTRUCK. Hindi ba siya ninenerbiyos kapag kaeksena niya si Regine?

Pag-amin niya, “Medyo ninenerbiyos po kasi ano po, e, sobrang idol ko po siya tapos bigla na lang pong nagka-work po kami.”

Lagi raw siyang naii-starstruck sa Asia’s Songbird.

Pahabol pa niya, “Lagi nga po akong nakatitig sa kanya, e.”

Nasa show rin na eere na sa March 28 sina Mikael Daez bilang si Paeng, Jaya bilang Edna, Snooky Serna bilang Deborah Villon, Sheena Halili bilang si Maika, Kevin Santos bilang Kilmer, Valeen Montenegro bilang Piper Villon, Ervic Vijandre bilang Jordan, at Ralph Noriega bilang Isko.

Introducing naman sa serye ang First Princess and Prince ng Season 6 ng StarStruck na sina Ayra Mariano bilang Kyla at Elyson de Dios bilang Edison Villon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May special roles naman sina Ricky Davao bilang Daniel Villon at si Dingdong Dantes bilang Rafael.

Ang Poor Señorita ay sa direksyon ni Dominic Zapata.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN