Netizens happy to see Julia Clarete again on Eat Bulaga!

Pansamantalang napanood sa Eat Bulaga! si Julia Clarete kaninang tanghali, March 19. Hindi naman ito nagbabalik sa show kundi bumisita lang sa mga nami-miss niyang kasamahan.


Muling nasilayan ng publiko si Julia Clarete sa Eat Bulaga! kaninang tanghali ng Sabado, March 19.

Halos tatlong buwan na mula nang biglaang nawala si Julia sa longest-running noontime show sa bansa.

Hindi ito nagpaalam sa mga manonood ng show na aalis na pala siya at maninirahan sa Malaysia kasama ang partner nito.

Read: Why did Julia Clarete leave Eat Bulaga!?

Hindi naman ito hudyat na tuwiran nang babalik si Julia sa show dahil binisita lang nito ang dating kasamahan.

Habang nagpu-promote si Joey de Leon ng Lenten Special ng show ay pabiro nitong sinabi na magbibigay ng inspirasyon sa lahat ang kanilang ipapalabas sa susunod na linggo kabilang na sa mga naghahanap ng trabaho.

Birong tugon ni Julia, “Sir baka kailangan niyo pa ng cast member, mag-a-apply po sana ako?

“Kumakanta po ako sumayaw, nagbubuwis buhay po ako."

Sagot naman ni Joey, “Basta diyan ka lang maghintay ka, marami kayo mahaba kayo.”

Marami namang netizens ang natuwa na muli nilang napanood ang TV-host-actress sa show.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN