Ina Raymundo ponders secret to showbiz longevity: "I'm an artist at heart."

Ina Raymundo ponders her staying power in local showbiz: "Ako naman, choice ko ito. Gusto kong magtrabaho, gusto kong mag-artista, gusto kong umarte. Dahil gusto kong maging proud saakin yung mga anak ko, na may trabaho ako, na may ginagawa ako."

 


Maraming beses nang nakatrabaho ni Ina Raymundo si Jaclyn Jose.

Una sa Tuhog [2001] na pelikula namin dati, tapos sa Marimar [2015 edition], tapos ito sa The Millionaire’s Wife,” kuwento ni Ina sa presscon ng GMA drama series na The Millionaire’s Wife sa GMA Network Center.

Natsa-challenge pa ba siya na makasama sa isang proyekto ang mahusay na aktres?

Sagot niya, “Ay, oo, nininerbiyos ako!

Nininerbiyos ako nung first day taping, kasi kinakapa ko pa yung character ko.

Tapos, nung eksena namin ni Ms. Jaclyn, mommy ko siya, pareho naming kinakapa.”

Sinigurado raw nila na hindi makikita ang mga karakter na ginampanan nila dati sa Marimar.

Aniya, “Kasi gusto naming iba ngayon.

So pareho kaming aware na, 'Ay, kailangan hindi siya maging Angelika Santibañez [Jaclyn's role in Marimar], ako kailangan hindi ako maging Brenda Aldama.’

Kailangan magkaiba.”

LATEST ROLE. Sa The Millionaire’s Wife ay gumaganap si Ina bilang si Allison Montecillo na anak ni Stella Vergara-Montecillo (Jaclyn).

Lahad niya, “Dito kontrabida ako in a sense na pinoprotektahan ko lang yung kayamanan ng lolo ko, kasi ako ang nagpalago nun.”

Lolo niya si Alfredo Vergara (Robert Arevalo) na nagpakasal sa mas batang si Louisa Ignacio, na ginagampanan naman ni Andrea Torres.

So siyempre bakit ako magtitiwala dun kay Louisa na papakasalan yung lolo ko? ‘Anong pakay mo?’

So ang tingin ko sa kanya, gold-digger!

So dun nagsisimula yung conflict naming dalawa, dahil pinoproteksyunan ko yung kayamanan ng lolo ko,” dagdag niya.

Kasama rin sa The Millionaire’s Wife sina Mike Tan bilang Ivan Meneses, Sid Lucero bilang Jared Montecillo; at Rich Asuncion bilang Rio Samson.

Ito ay sa direksyon ni Albert Langitan.

SID LUCERO'S CRUSH. May tsikang crush ni Sid si Ina.

Tumawa muna si Ina bago nag-react.

Kuwento niya, “Nakakatawa, kasi nung look test namin, sabi niya, ‘You’re so beautiful!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ko, ‘Thank you, brother!’

Kasi kapatid ko siya, e. Tapos, tawanan kami.”

Magkapatid ang papel nila ni Sid sa The Millionaire’s Wife.

Sabi niya, ‘You’re so gorgeous!’

Sabi ko, ‘Thank you, brother!’”

Wala naman daw malisya iyon.

Saad niya, “Wala naman, Parang naa-appreciate niya lang siguro and he’s very appreciative of, you know, of what he sees, di ba?

Wala lang, nagtatawanan lang kami na ganun.”

ARTIST BY CHOICE. Sa mga ka-batch ni Ina na artista noong late '90s ay si Ina na lang ang masasabing aktibo ngayon.

Ang ilan sa mga kasabayan niya sa mga sexy actresses noon ay sina Amanda Page at Michelle Parton.

Aniya, “Marami nang nawala, actually.”

Siya na lang ang napapanood ngayon sa harap ng kamera.

Pagkumpirma niya, “Yes, I think so.”

Ano ang masasabi niya na siya na lamang ang active sa showbiz among her contemporaries?

Pag-aanalisa niya, “Kasi siguro ginusto ko.

Kasi siyempre, yung iba, kaya naman sila hindi active, kasi choice nila yun, di ba?

Hindi mo naman sasabihing,‘Ay, ano na 'yan kasi, laos or whatever...’

Hindi.

Because choice nila yun. Gusto nilang manahimik, di ba? Gusto nila out of the limelight.

Ako naman, choice ko ito.

Gusto kong magtrabaho, gusto kong mag-artista, gusto kong umarte.

Dahil gusto kong maging proud saakin yung mga anak ko, na may trabaho ako, na may ginagawa ako.

Hindi lang ako… although I’m a hands-on mom, gusto kong makita nila ako na nagtatrabaho.

Kesa yung talagang nasa bahay lang palagi.”

Hindi raw niya linya ang pagnenegosyo.

Pahayag niya, “Hindi siguro ako business-minded.

I’m an artist at heart.

And since malaki na yung panglima ko at hindi na ako buntis… usually kasi, pag three-years old na yung huli ko, buntis na ako nun or nanganak na ako.

So this time, wala na talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PROUD OF FIVE KIDS. Hindi na raw nila susundan ng mister niyang si Brian Poturnak ang bunso nila.

Hindi na, wala na, ayaw na. Stop na,” natatawa niyang hirit.

Lima ang mga anak nila: sina Erika (14), Jakob (11), Mikaela (7) at Anika (5 ) at Minka (3).

Papayagan ba niyang mag-artista ang mga ito?

Sambit niya, “Oo, kung gusto nila.

Siguro kahit isa man lang sa kanila.

Hindi naman kailangan lahat sila. Isa lang, okay na yun.”

Sino sa lima ang nakikitaan niya ng pagkagusto sa showbiz?

Parang yung pang-apat. Model na nga siya ng Boardwalk na damit.

Marunong mag-project, hindi nahihiya at ang ganda.

Lahat sila magaganda at guwapo, I’m so blessed!

Minsan I can spend minutes na tinititigan ko yung mga mukha nila, parang, ‘Ang gaganda ng mga anak ko!’

Grabe!” at tumawa si Ina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN