Shaina Magdayao on Single Single leading man Matteo Guidicelli: "Very easy to be with."

Shaina Magdayao on what contributed to the success of their cable TV series Single/Single, where she stars opposite Matteo Guidicelli: "I think mas naa-appreciate na ng tao ngayon yung content, yung material and kung nakaka-relate ba sila, other than kung totoo bang sila off-cam."


Noong inamin ni Vina Morales na boyfriend na niya ang French businessman na si Marc Lambert Setyembre nung nakaraang taon, agad na nag-post sa social media ang 2009 FHM cover girl na si Avi Siwa at kinumpirmang may anak sila ng current boyfriend ni Vina, at hinahadlangan diumano ni Vina na makipagkita ang ama ng anak sa kaniya at sa bata.

Namatay na lang nang kusa ang isyu dahil iniwasan na ring magsalita ni Vina tungkol sa mga paratang ni Avi.

Samantala, hindi na rin nasun nasundan ang mga Instagram posts ni Avi na naglalaman ng mga paratang sa aktres.

Nang hingan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng reaksyon si Shaina Magdayao tungkol sa buhay pag-ibig ng kanyang Ate Vina sa nakaraang Syke Alive event ng Sky Cable sa SMX MOA, sinabi ng aktres na hindi sila nakikialam sa lovelife ng kanyang ate, lalo’t nasa tamang edad na ito.

Pahayag niya, “You know matanda na naman si Ate, I think it really won’t matter kung ano ang nararamdaman namin.

“But siyempre, malaking pasasalamat namin na mabuting tao ang hinintay ni Ate.

“Dumating din yung pinagdasal niya sa perfect time ni Lord and sana magtuluy-tuloy.”

SINGLE/SINGLE SEASON 2. Nang tanungin namin kung anu-ano ang mga pinagkakaabalahan niya sa ngayon, masayang nagkuwento si Shaina na magsisisimula na ang taping ng Season 2 ng original cable TV series na Single/Single ng Cinema One, kunsaan katambal niya si Matteo Guidicelli.

Lahad niya, “The Cinema One family, it started last year.

“Di naman namin in-expect na magkakaroon ng Season 2 ang Single, Single.

“Of course, I’m very happy na makakatrabaho ko na naman uli yung mga nakatrabaho ko, at the same time, nakakatuwa, kasi ibig sabihin nagustuhan ng mga manonood.

“Ibig sabihin din, marami ang naka-relate kila Joey and Joee, knowing siyempre na ang market namin ay millenials.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We’re very happy na na-appreciate nila yung story na pinakita namin.

“Ang maganda kasi dun sa show, may advocacy siya, like wealth advocacy.

“At the same time, marami ring matutuhan ang mga youth ngayon sa mga challenges nila Joey Boy and Joee Girl [their respective characters].”

Siniguro rin ng aktres na maraming bago ang mapapanood sa Season 2 ng pinagbibidahang show.

“Marami.

“Siguro yung mga ginusto nilang makita sa Season 1, sa second season makikita na nila.

“Nag-end ang first season namin na di masyadong masaya because di nagkatuluyan sila Joee Girl and Joey Boy.

“We’ll see sa Season 2 kung ano pa ang mangyayari sa kanila,” saad niya.

WORKING WITH MATTEO. Marami ang nagkagusto sa tambalan nina Matteo at Shaina sa Season 1 ng Single/Single.

Ayon kay Shaina ay isang magandang experience para sa kanya na maging leading man ang aktor.

“Good.

“Very easy to be with, magaan sa set, laging nakangiti kahit anong oras na.

“Pag ganun ang trabaho namin, di naman biro mas lalo na siguro ako, kasi nagsasabay-sabay ang mga ginagawa ko

“Alam ko na hindi ako mahihirapan sa set ng Single/Single kasi ang sarap katrabaho ng leading man ko.

“At the same time, pati mga staff namin, magaang mga katrabaho.

“You know why? Kasi I think mas matalino na ang manonood.

“Di na tayo ten years ago na kailangan na pag leading man at leading lady, sila talaga sa totoong buhay.

“I think ngayon ang mas importante is the material, may chemistry, but you know it’s based there.

“Anuman ang nakikita ninyo, siguro, well, ako basically, kung ano ang nakikita ninyo may Joee Girl, that’s only Joee Girl, that’s not at all me.

“I think mas naa-appreciate na ng tao ngayon yung content, yung material and kung nakaka-relate ba sila, other than kung totoo bang sila off-cam,” pag-aanalisa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukas na aklat na masaya ang relasyong Matteo at Sarah Geronimo sa ngayon.

Dahil dito, tinanong namin si Shaina kung hindi ba siya naiilang sa mga sweet na eksena nila ng aktor dahil may girlfriend ito.

Paglinaw niya, “Ano ba, hindi na naman tayo bago, bagets...

“Hindi na, walang ganun.

“Trabaho, hindi lang naman si Matteo ang nakakatrabaho ko sa ganyan.

“I think very wholesome pa nga ang Single/Single compared sa mga nagawa ko na dati.

“You know you have limitations and I’m very grateful na lahat ng leading men na nakakatrabaho ko are very respectful, di nagte-take advantage, gentleman sila so walang problema.”

MOVIE PROJECTS. Sa ngayon ay abala din si Shaina sa paglalagare sa dalawang pelikula: ang Dukot at Ang My Candidate.

Masaya niyang saad, “I’m doing Dukot with Direk Paul Soriano and Enrique Gil, Tito Boyet de Leon.

“Naka-three shooting days na kami, dun ako nanggaling ngayon.

“I’m doing My Candidate also with Derek Ramsay.

“Nakakatuwa kasi maganda ang start ng 2016.

“After Nathaniel, nagpahinga talaga ako.

“After kasi ng Nathaniel, birthday ko.

“Alam ninyo naman na pag birthday ko, umaalis talaga ako.

“December naman, my sister from the States came home. I had to spend time with her also.

“Nag-break and then ngayon trabaho na uli.”

Kilala si Derek Ramsay bilang leading man sa mga romantic comedy films kung saan halos lahat ay kumita at naging blockbuster.

Hindi naman ikinape-pressure ni Shaina ang ideya na ito.

Pagmamalaki niya, “Ipapalabas na siya sa May 11.

“Ito yung first time ko na makakatrabaho si Derek. He’s a Congressman running for Senate.

“Timing [sa local elections] kaya nga My Candidate.

“It’s funny, witty, very different from what I do.

“I’m sure tatawa sila nang tatawa sa mga kabaliwan na ginawa sa movie na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala, iba-iba naman ang mao-offer ng iba’t ibang artista, di ba?

“More than anything, I’m just very grateful na si Atty. Joji [Alonso, the producer] gave me this opportunity because di ko pa siya nagagawa.

“This role as in never ko pa siya nagawa, papunta sa baliw, e.

“Pinag-rap nila ako, kung anu-ano.

“Very different, yun nga ang sinasabi sa akin sa mga nagpa-follow sa akin sa Instagram na parang bagets daw.

“Iba raw ang hitsura ko dito sa movie.

“Well, I can say iba naman talaga ang character ko dun.

“It’s something very exciting, parang fresh, kasi bago siya sa para sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN