Mikael Daez on shooting love scene with Regine Velasquez: "She made it very easy for me."

Mikael Daez is intrigued by his unusual pairing with Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid, and relieved that it is going very well, "Magaan, so ang laking tulong nun sa totoo lang. Over time, mas magiging solid pa yung chemistry na 'yan, so excited ako. "


Nakasanayan na halos ng Kapuso viewers na mapanood bilang magkapareha sina Mikael Daez at Andrea Torres.

Pero sa kakaibang pagkakataon ay magkahiwalay ang dalawa sa halos sabay nilang teleserye sa GMA-7.

Kasalukuyan nang umeere ang The Millionaire’s Wife ni Andrea kunsaan si Mike Tan ang katambal niya.

Magpa-pilot showing naman sa March 28 ang primetime series ni Mikael na Poor Señorita kunsaan si Regine Velasquez-Alcasid ang kapareha niya.

“Oo nga, e, halos sabay naming nalaman na may Millionaires Wife siya at may Poor Señorita ko.

“We we’re saying nga we’re very happy for each other and I told her, ‘Go for it lang.

“‘Alam mo na ‘yan, alam mo na ang career mo, matagal ka na rito, yakapin mo na.’

“Ako rin,” nakangiting kuwento ni Mikael sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ginanap na presscon ng Poor Señorita kamakailan.

Graduate na kaya talaga sila Mikael at Andrea sa love team nila?

“We’ll never know, will keep our options open.

“As of now, separated kami at kailangan lang naming asikasuhin ang trabaho sa current project namin.

“Later on, bahala na ang GMA kung ano ang mangyayari,” saad ni Mikael.

Pero may aabangan pa rin sa kanilang dalawa ni Andrea dahil hindi pa rin ipinapalabas ang ginawa nilang mini-series sa Cambodia.


INTRIGUED. Sa isang banda, naintriga raw si Mikael at ang kanyang manager na si Betchay Vidanes nang sinabihahan sila na ang Asia’s Songbird ang leading lady sa Poor Señorita.

Masayang kuwento ni Mikael, “Naintriga kami, bakit ako ang partner.

“So sabi namin, maiintriga ang tao, bakit ganito, bakit ganito ang concept.

“E, ako naman, halos lahat naman ng project ko, may pagka-experimental ang dating.

“Kaya, okay, ito na ang tahak ng career ko, embrace na natin; ine-embrace ko talaga.”

Mayroon naman daw silang chemistry ni Regine, “Meron, e, I think hindi pa solid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero overtime, mas magiging solid pa yung chemistry na ‘yan, yung character na ‘yan so excited ako.

“Si Ate Reg nga, sabi niya, ‘May nakita ko sa eksena natin, i-build pa natin ‘yan.’”


APPREHENSIVE. Aminado naman si Mikael na may “ilang factor” raw sa parte niya lalo na nga at may kissing scene pa silang dalawa.

“Meron siyempre,” pag-amin niya, “Lalo na ako, nakatrabaho ko na rin si Kuya Ogie [Alcasid] and I want to show him 1001 percent.

“Kahit na kaninong leading lady naman, yun talaga ang nasa likod ng isip ko.

“But at the same time, gusto ko rin siyempreng magawa ang trabaho ko nang maayos.

“So pinapakiramdaman ko lang, yun nga, noong first time ko siyang ma-meet, mahirit na siya.

“Magaan, so ang laking tulong nun sa totoo lang.”

Masaya naman si Mikael sa kinalabasan ng love scene nila sa teleserye.

Ayon kay Mikael, “ I think it went very well, matatawa kayo and makikilig at the same time.

“I have to thank Ate Reg because she made it very easy for me.

Sa totoo lang, it’s something else that I was worried about.

“Siyempre, ano ba yung do’s and dont’s, ano ba yung hindi puwede?

“At the same time, I never want to lose that respect na gusto kong ibigay kay Ate Reg.

“At ganun din naman sa mga nagiging leading ladies ko, yun talaga ang iniisip ko.

“Ayokong madisrespect siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN