Ayra Mariano admires Regine Velasquez's work ethic: "Walang arte."

Ayra Mariano on her idol and Poor Señorita co-star Regine Velasquez-Alcasid: "Siyempre, palagi siyang nagte-taping. Yung lugar na pinagteteypingan namin, set talaga na pang-poor. Pero kapag tinitingnan mo siya, Songbird, sobrang taas niyang tao. Pero kapag trabaho, trabaho talaga. Walang arte.



Hindi man siya ang itinanghal na Ultimate Female Survivor sa Season 6 ng reality-based artista search ng GMA Network na StarStruck, masuwerte pa rin si Ayra Mariano ngayong nagsisimula na ang kanyang showbiz career.

Mapapanood na sa primetime si Ayra sa pamamagitan ng Poor Señorita, na pinagbibidahan ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez.

Pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Happy and blessed talaga, sobra-sobra!

“Sobrang laking opportunity na binigay sa amin with Ms. Regine Velasquez at parang comeback niya ito. Di ba, sobrang unexpected talaga itong blessing na ‘to?

“Kaya sobrang thankful talaga ko kay Ms. Reg, kasi pinili niya ay Ayson [love team of Ayra and Elyson de Dios].”

ADVICE FROM REGINE. Si Ayra ang gumaganap na “Ate” ng mga batang makakasama ni Regine kapag naghirap na siya. May pagkaraketera at mapagmahal na ate raw siya.

“Parang lahat po ng trabaho, gagawin ko para sa kanila hanggang sa mapunta sa amin si Ms. Reg at sa amin niya mararamdaman ang tunay na pagmamahal,” paglalarawan pa niya tungkol sa kanyang papel sa serye.

Halos karamihan ng eksena ni Ayra ay si Regine ang kasama niya. Nagkakausap at kuwentuhan na sila?

Sabi ng dating commercial model, “Opo, sa taping po, sobrang relax lang. Tapos, may naise-share po siya sa aming mga tips.

“Kasi, parang kung titingnan mo si Ate Reg, minsan kasi naaawa na ako sa kanya.

“Siyempre, palagi siyang nagte-taping. Yung lugar na pinagte-teypingan namin, set talaga na pang-poor.

“Pero kapag tinitingnan mo siya, Songbird, sobrang taas niyang tao.

“Pero kapag trabaho, trabaho talaga. Walang arte.

“Kaya natutunan ko talaga sa kanya na kapag trabaho, gawin mo nang buong puso mo.

“At kapag dedicated ka sa isang bagay, kahit ano pa man yun, kahit ano pa ang mangyari, talagang gagawin mo nang buung-buo,” lahad niya.

BLESSED WITH PROJECTS. Tatlong buwan na mula noong mag-finals ang StarStruck. Kumusta naman ang buhay ni Ayra ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “Medyo busy na rin po, sunud-sunod na po kasi [ang projects].

“Dapat po talaga, sa That’s My Amboy po kami.

“Noong time na yun, nakapag-storycon, nakapag-pictorial na rin kami.

“Tapos, noong malaman ko na pinili kami ni Ms. Reg for Poor Señorita na another love team, nag-work talaga ako na mas maging dedicated sa craft.

“Tapos, yun po, medyo busy rin po, kasi may mga guesting din po kami sa several shows ng GMA.

“Nag-Maynila po kami, Love Hotline at medyo marami-rami na rin pong blessing, kasi nagkaroon na rin po kami ng endorsement ni Elyson.”

Malaki ang pasasalamat ni Ayra sa Asia’s Songbird dahil sa dami ng Kapuso stars, sila ni Elyson ang napili nitong makaasama.

Sabi niya, “Sobra-sobrang thankful po talaga ko sa kanya.

“Biruin mo, Songbird!

“Noon lang, pinapanood ko siya sa movie, tapos ngayon kaeksena ko siya.

“Tapos, pinili niya pa kami kaya sobrang thankful talaga.

“And thank you talaga kay Lord kasi sobrang unexpected talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN