Gabbi Garcia and Ruru Madrid admit "adjustment period" before getting back into their acting groove

Because of their loveteam's long showbiz hiatus, Ruru Madrid admits that it took some adjustment before he became comfortable acting again with loveteam partner Gabbi Garcia: "Parang nanibago kami tuloy sa isa't isa noong umaarte na kaming magkasama."



Inabot ng anim na buwan bago nagkasama ulit ang Kapuso loveteam na sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia.

Mula noong natapos ang teleserye nila sa GMA-7 na Let The Love Begin noong October 2015, hindi na sila napanood na magkasama at nagkaroon sila ng kanya-kanyang projects.

Marami tuloy sa mga GabRu fans ang nag-alala na baka pinaghiwalay na agad ang dalawa.

Sa press conference para sa GMA-7 political satire/rom-com series na Naku, Boss Ko, kinuwento ng dalawa na excited sila dahil nagkasama ulit sila sa isang TV series.

“Medyo matagal na rin noong huli kaming napanood ni Gabbi na magkasama.

“Nagkaroon naman kami ng individual projects sa TV.

“Pero nagkakasama naman kami sa mga Kapuso mall shows paminsan-minsan.

“Kaya ngayon lang kami talaga magsasama sa Naku, Boss Ko! ng GMA News and Public Affairs.

“Parang nanibago kami tuloy sa isa’t isa noong umaarte na kaming magkasama,” natatawang panimula ni Ruru.

Naniniwala naman si Gabbi na may inihandang magandang project sa kanila ni Ruru ang Kapuso network. Panimula pa lang daw itong Naku, Boss Ko!

Makakasama pa ng dalawa sa Naku, Boss Ko! sina Tessie Tomas, Leo Martinez, Jao Mapa, at Love Añover.

Si Marlon Rivera ang director ng rom-com/political satire na ito na sinulat nina Rody Vera at Zig Dulay. Magsimula itong umere for two weeks starting April 25.

 

ROLES. Dagdag pa ni Gabbi ay pinatanda raw sila ni Ruru para sa mga roles nila sa naturang two-week mini-series.

Kuwento niya, “We are much older sa series na ito.

“Tulad ko po, 17 years old lang ako, pero they made me look 20-something.

“I play Che, a student activist na ipinaglalaban ang karapatan ng maraming tao dahil sa maling pamamalakad ng ilang tao sa gobyerno.

“Ruru naman here is Jojo, ginu-groom siya para maging next mayor.

“Pero jologs siya. Naging hero lang siya kasi may nailigtas siyang bata sa isang nasusunog na bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“They made Ruru look like he's in his mid-20s na. Pero in reality, he’s only 18.

“Tungkol din po ito sa mga iba’t ibang characters sa political atmosphere ng bansa natin.

“Ang kakaiba rito ay ginawa nilang nakakatawa ang mga tauhan.

“Hulaan na lang nila kung sino ang mga ito kasi sobra nilang ginawang nakakatawa ang lahat.”


TOO YOUNG TO VOTE. Kahit na raw tungkol sa politics ang ginagawa nila Ruru at Gabbi, hindi raw sila pa makakaboto sa darating na May elections.

“I just turned 18 noong December.

“Kaya tapos na yung pag-register sa mga bagong boboto. Si Gabbi naman, 17 lang siya.

“Bawal din naman po kami mag-endorse ng kung sino.

“Lalo na sa akin, INC [Iglesia Ni Cristo] po ako.

“Kung sino ang choice ng leader namin, yun po ang susuportahan ng mga kapatid namin,” diin pa ni Ruru.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN