Alden Richards, Maine Mendoza win at Dabarkads Choice Awards

Alden Richards received the Most Dramatic Performance of a Lead Actor, while Maine Mendoza was awarded the Darling of the Screen award. Their episode, God Gave Me You, was also chosen as the recipient of Dabarkads Choice award.


Nanalo sina Alden Richards at Maine Mendoza sa ginanap na Dabarkads Choice Awards sa April 2 episode ng Eat Bulaga.

Ang awarding ceremony ay pagkilala sa mga Dabarkads ng Eat Bulaga na nagpakita ng husay sa pag-arte sa Lenten specials ng nabanggit na noontime show nitong Holy Week.

Ipinagkaloob kay Alden ang Most Dramatic Performance by a Lead Star para sa kanyang pagganap sa Lenten special na God Gave Me You, habang ang co-star niyang si Maine ang pinagkalooban ng Darling of the Screen award.

Nasungkit din ng God Gave Me You episode ang Dabarkads Choice Awards.

Bukod kina Maine at Alden, itinampok din sa nasabing special episode si Jake Ejercito, anak nina Manila Mayor Joseph Estrada at former actress Laarni Enriquez.

Si Pauleen Luna ang pinarangalan ng Exceptional Peformance in Supporting Role para sa Panata episode, habang si Patricia Tumulak o Happy Birthday Girl ang siyang Breakthrough Artist of the Year para sa performance niya sa Walang Kapalit.

Samantala, nakuha naman ng episode na Dalangin ng Ama ang Best Story of the Year.

Pinagbidahan nina Joey de Leon, Pia Guanio, Anjo Yllana, Jimmy Santos, at Ryan Agoncillo ang nasabing episode.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN