Sunshine Dizon asks fans to avoid prejudging new Encantadia 2016 stars

Sunshine Dizon (in photo) asked Encantadia 2016 fans: "Let us not be quick to judge and avoid using hurtful words." In the 2005 version, she portrayed the character of Pirena, who will now be brought to life by Glaiza de Castro.



Nang ilabas ng GMA-7 ang mga cast members na magiging bahagi ng Encantadia 2016, masasabing hindi lahat ng fans ay sang-ayon sa mga napili para sa telefantasya.

Noong 2005, ang apat na Sang’gres ay unang ginampanan nina Karylle bilang si Alena, Iza Calzado bilang si Amihan, Diana Zubiri bilang si Danaya, at si Sunshine Dizon bilang si Pirena.
 
Marami rin ang natuwa at nagpakita ng kanilang suporta sa mga bagong Sang’gre na ginagampanan nina Kylie Padilla bilang Amihan, Gabbi Garcia bilang Alena, Sanya Lopez bilang Danaya, at Glaiza de Castro bilang Pirena.

Si Sunshine, ang isa sa orihinal na Sang'gre, ay nagbigay ng kanyang pahayag na tila sagot lalo na sa mga netizens na hindi sang-ayon sa mga napiling bida ng Encantadia 2016.
 
Sa Twitter account ni Sunshine @shinedizontan, nag-post ito ngayon na, “Let us not be quick to judge and avoid using hurtful words. Instead, let’s celebrate that we are all lucky to witness the magic again.”
 
Nang i-announce na ang mga bagong cast of characters, isa rin si Sunshine sa nagpapakita ng excitement at pag-suporta sa bagong Encantadia.
 
Una niyang binati si Glaiza na siyang magre-remake ng dati niyang karakter bilang si Pirena.

Binati rin niya ang iba pang mga napili.
 
Sa tweet ni Sunshine, sinabi niyang, “Congratulations to the new sangres, hasne ivo live encantadia!”
 
Gayundin ang pag-congratulate niya sa mga kapatid niya sa PPL Entertainment Inc, management na sina Rochelle Pangilinan at Carlo Gonzales na kasama rin sa cast.
 
Sabi pa ni Sunshine, “Congratulations @SuziDoctolero grabe goosebumps ko, the magic is still there. Thank you sa mga encantadiks.
 
“Lets all support the new cast members of ENCANTADIA, I’m pretty sure it will be great!.”
 
Sa isang banda, may mga lumalabas at nasusulat naman na posible rin daw na isa si Sunshine sa mga orihinal na cast members, bukod kay Dingdong Dantes, na lumabas din sa bagong Encantadia.
 
Pero wala pang kumpirmasyon sa bagay na ‘to. Bukod pa rito, wala rin si Sunshine sa mga ipinakilalang cast ng requel ng Encantadia.


(View photos: LOOK: Dingdong Dantes, Marian Rivera reunite for Encantadia 2016)
 





ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN