Karylle on Encantadia: "Thankful lang ako sa lahat ng fans who have grown up with us."

Aminado si Karylle na hanggang ngayon ay marami pa rin ang nanunood ng 2005 version ng Encantadia. Marami din daw fans ang patuloy na nagli-link sa kanya ng mga lumang episodes ng successful telefantasya.



Bago pa man ang grand reveal sa new cast members ng Encantadia requel, nakapagbigay na ng kanyang pahayag si Karylle tungkol dito.

Si Karylle ang unang gumanap sa role na Alena (2005), ang diwata na tagapangalaga ng brilyante ng tubig.

Kuwento ni Karylle sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan lamang, “I’m just really grateful kasi I’m also part of iFlix, we do show Encantadia on iFlix.

“So, it’s always on the crop.

"I’ve also spoken some people in Fox, pero hindi pa rin ipinalabas ang Encantadia.

“So, thankful lang ako sa lahat ng fans who have grown up with us.

“A lot of them still tweet me, so excited na excited naman sila.

"And they’re still watching the whole series.”

Ikinatuwa din daw niya na narinig niya ang kanyang boses sa teaser ng show.

Saad ng It’s Showtime host, “ A, meron lang akong nakitang teaser, tapos narinig ko naman yung boses ko so natuwa naman ako. Kasi minsan nili-link nila, so yun pa lang nakita ko.”

Sina Glaiza de Castro (bilang Pirena), Kylie Padilla (bilang Amihan), Gabbi Garcia (bilang Alena), at Sanya Lopez (bilang Danaya) ang mga bagong gaganap sa mga papel na ginampanan noon nina Karylle, Sunshine Dizon (Pirena), Iza Calzado (Amihan), at Diana Zubiri (Danaya).

View: Who's who in Encantadia 2016? Cast members revealed

Sa ngayon, wala pang naging reaksiyon si Karylle tungkol naman sa mga bagong cast at sa gaganap sa kanyang papel noon na si Gabbi.

Read: Original Encantadia stars congratulate new batch of Sang'gres


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN