Will Baby Zia make TV debut on Marian Rivera's new morning show?

Marian Rivera feels excited yet apprehensive about her new GMA-7 morning show Yan Ang Morning! "Sobrang naligalig ako sa tuwa, at the same time, madami akong kuwestiyon sa sarili ko, kung kaya ko ba. Kasi hindi ko naman forte ang paghu-host," admits the Kapuso Primetime Queen.



May morning talk show na si Marian Rivera, ang Yan Ang Morning! na malapit nang mapanood sa GMA-7.

Pag-amin niya, “Actually, yung ibinigay sa akin ng GMA na talk show, magkahalong emosyon kasi.

“Sobrang naligalig ako sa tuwa, at the same time, madami akong kuwestiyon sa sarili ko, kung kaya ko ba.

“Kasi hindi ko naman forte ang paghu-host pero sabi ko nga, at sabi rin ng asawa ko, especially sa management ko sa Triple A, wala namang masama kung subukan ko ang mga bagay na hindi ka pamilyar, di ba?

“So ito rin, itong bagay na ito sa talk show na ito, kung ako matututo, yung mga audience ko, sabay kaming matututo sa mga bagay-bagay.

“Kasi ang dami kong matututunan dito, maraming mapag-uusapan, maraming ituturo sa kanila...

“At hindi lang sa kanila. Pati ako, on-the-spot, marami akong matututunan.

“So siguro ito yung pamamaraan ko rin para i-share sa kanila kung ano ang adhikain ko, kung ano ang nasa isip at puso ko, nang deretsahan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa presscon ng Maxi-Peel, ang skin product brand na iniendorso ni Marian (sa loob ng walong taon) sa Sequoia Hotel, Quezon City, nitong nakaraang Huwebes, April 7.


INTERACTIVE SHOW. Dagdag pa ni Marian tungkol sa Yan Ang Morning! show niya, “Gagawa din ako ng sariling [social media] account namin.

“Magpu-post ako dun na may mga questions ako, especially sa mga nanay na first time na katulad ko na maraming mga questions, e.

“So may mga question ako, ‘Ano bang gusto niyong topic na pag-usapan?’

“So magkakaroon din ako ng koneksyon sa audience ko, kung ano ba ang gusto nilang pag-usapan at gusto nilang malaman.”

Eere simula sa Mayo tuwing umaga ang show ni Marian mula Lunes hanggang Biyernes.


NOT WORRIED ABOUT RIVAL SHOW. Hindi pa alam ni Marian kung anong show ang makakatapat niya sa ibang istasyon, pero hindi nag-aalala si Marian tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Alam mo, ganun talaga ang mga network—kanya-kanyang tapatan, kanya-kanyang programa.

“So okay lang yun!”

Dagdag pang muli ni Marian, “Ito ang show na walang pretensiyon. Kung ano si Marian Rivera, ito ang makikita natin.”


WILL BABY ZIA MAKE FIRST TV DEBUT ON HER SHOW? Sa show niya kayang ito unang mapapanood ang anak nila ni Dingdong Dantes na si Zia o Baby Z? Sa Yan Ang Morning! kaya magaganap ang TV debut ni Baby Z?

Pasakalye niya, “Depende siguro sa okasyon. Pero huwag na, okay na yung ganun na lang, picture na lang.”

“Malay mo sa birthday ko, i-surprise nila ako?

“Huwag ka nang maingay! Ayan tuloy sinabi ko, tuloy nagka-idea sila,” natatawang bawi niya.

Sa August 12 ang kaarawan ni Marian.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN