Karla-Jolina-Melai talk show confirmed to be replacement for Kris TV

Melai Cantiveros (in photo), Karla Estrada, and Jolina Magdangal will host Magandang Buhay, the morning show that will replace Kris Aquino's Kris TV.



Nagsimula nang mag-taping ang komedyanteng si Melai Cantiveros para sa pinakabagong programa sa ABS-CBN na pinamagatang Magandang Buhay.

Ang Magandang Buhay ang pumalit sa timeslot ng dating talk show na Kris TV hosted by the Queen of All Media na si Kris Aquino.

Bukod kay Melai, sina Jolina Magdangal at Karla Estrada ang hosts ng bagong morning show na ito.

Matatandaan na nagkasama na sila noon bilang celebrity contestants sa Your Face Sounds Familiar Season 1 noong 2015.

(Read: Will Karla-Jolina-Melai talk show replace Kris TV?)


“Sobrang saya,” bungad ni Melai noong makausap namin siya sa labas ng kanyang dressing room habang break ng taping nila ng Magandang Buhay last Thursday.

“Nagpapasalamat talaga ako sa Diyos for another blessing sa pamilya naming ni Jason [Francisco].

"Malaking tulong ‘to para sa anak ko. Siyempre, for her future,” seryosng sabi ni Melai.

Siya lang ba ang bumubuhay sa two-year-old daughter nila na si Mela?

“Ay, hindi. May show rin si Jason. Kasama siya ni Dominic [Ochoa] sa Super D,” ngiti ni Melai.

Ang Magandang Buhay ang ikalawang daily show ni Melai sa Kapamilya network.

Ang isa pa niyang programa sa ABS-CBN ay ang late afternoon drama series na We Will Survive bago mag-TV Patrol. Kasama ni Melai sa We Will Survive si Pokwang, Jeric Raval, Carlo Aquino, at Jana Agoncillo.

Wala bang magiging conflict sa schedule niya na may dalawa siyang daily shows?

“Ah, hindi kasi inaayos naman ang schedule. At okay lang kahit mapagod ako. E, para sa naman sa anak ko ‘to kaya kakayanin ko,” sabi pa niya.

Ano ang feeling na talk show host na siya?

“Ay, masaya siyempre. May bagong work pero hindi ko ‘to akalain. Hindi ko rin naisip na magiging talk show host ako, kahit sa paniginip,” pag-amin ng Big Winner ng Pinoy Big Brother Double Up.

Hindi ba siya kinabahan nung inalok siya na maging talk show host?

“Kinabahan, pero inisip ko na lang para sa anak ko. At saka, bakit naman ako tatanggi sa grasya ‘di ba?  Siguro sa umpisa medyo may kaba. Pero hindi kasi, may mga kasama ako sa show.

“Si Karla [Estrada] at si Jolina [Magdangal] kaya kahit paano hindi naman ako kinabahan.”

Sa tingin niya, bakit silang tatlo ang kinuha sa bagong talk show na kapalit ng programa ni Kris?

“I think, kasi magkakasama kami sa Your Face Sounds Familiar. E, doon pa lang sa show namin na yun, nakita siguro nila na ang saya-saya namin. Magkakaibigan kaming lahat. Maganda ang samahan namin.

“At saka kahit tapos na yung show, nagba-bonding pa rin kami nina Karla at Jolina.

“Tuluy-tuloy yun. May day kami na talagang magkikita-kita kami. Kwentuhan lang kami ng buhay-buhay. Palaging ang saya-saya kapag magkakasama kami.

“Kaya siguro kapag nasa show kami parang ganoon lang din. Magkwekwentuhan kaming tatlo, tawanan, ganoon. Hindi na kami mahihirapan mag-adjust sa isa’t isa dahil magkakakilala na kami, magkakasama na kami, e.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN