Dominic Ochoa gets biggest break after more than 20 years in showbiz

Dominic Ochoa has done supporting but inspiring roles in many Kapamilya teleserye, and now he is in the cast of Super D not just as a lead star but as a superhero. He says, "I always like na yung ginagawa kong work may aral na ipapamahagi sa mga manonood. Para lang isa itong role na ibinigay sa akin, it's not about the things that are given to you. It's your responsibility, whether it's small or big, it's a responsibility given to you."


Isa si Dominic Ochoa sa mga artistang hindi nawawalan ng trabaho sa Kapamilya network, pero ngayon lang dumating ang masasabing pinakamalaking break na naibigay sa kanya sa loob ng kulang-kulang dalawang dekada sa showbiz.

Si Dominic ang gaganap sa title role ng My Super D, ang bagong fantasy-dramedy serye ng ABS-CBN na pagbibidahan rin ng child star na si Marco Masa.

Pahayag ni Dominic, “I’m very blessed and thankful sa trabahong binigay nila... hindi lang basta trabaho.

“Ako, I always like na yung ginagawa kong work may aral na ipapamahagi sa mga manonood.

“Everyone's saying to me nga, ‘Dom, ang tagal mo. We’re happy na ito na yung big break mo.’

“Alam mo, never na pumasok sa utak ko na itong My Super D, ako ang bida dito.

“Para lang isa itong role na ibinigay sa akin, it’s not about the things that are given to you.

“It’s your responsibility, whether it’s small or big, it’s a responsibility given to you.

“Whether magampaman ko siya o hindi, gagawin ko parati ang lahat ng hundred to hundred-fifty percent na makakayanan ko.”

“It’s a big responsibility.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dominic sa grand presscon ng My Super D sa Dolphy Theater ng ABS CBN noong April 12.

SUPER DADDAY. Gaganap si Dominic na ama ni Marco sa My Super D, at malaking tulong daw ang pagiging ama niya sa tunay na buhay para maging makatotohanan ang pagganap niya sa role.

“Ang galing, saka mabait siya na bata, hindi siya mahirap katrabaho.

“Actually, kaya ko nagugustuhan rin ito kasi nagkataon na tatay din ako.

“Nakaka-relate din ako nang bongga,” sabi ng Kapamilya actor.

Dito ay ikinuwento ni Dominic takbo ng istorya ng My Super D.

“Pamilyadong tao pero nagkahiwalay, hindi kami ganun kayaman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pinaglalaban ko yung pagmamahal ko sa asawa ko, sa anak ko.

“Ang original Super D is Richard Yap, nakuha ko yung bato ni Super D and I’m using it sa kabutihan.

“Drama, fantasy, parang ganun, may mga special powers ako dito.”

Mapapanood ang My Super D simula sa April 18 bago ang TV Patrol.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN