Lino Cayetano takes a break from politics, returns to directing

Lino Cayetano on returning to directing: "I think marami rin tayong maiimpluwensiyahan, marami rin tayong mase-share o maikukwento na makakatulong din."


Pahinga muna sa pulitika si Lino Cayetano at binalikan niya ang pagdidirek ng TV shows.

Matatandaang napabalitang nag-file ng kandidatura para ma-reelect bilang representative ng Taguig City second district si Lino ngayong Eleksyon 2016, subalit nag-withdraw siya.

Humalili sa kanya ang ate niyang si Senator Pia Cayetano.

Si Lino ang direktor ng upcoming primetime series ng ABS-CBN na My Super D, na pinagbibidahan ni Dominic Ochoa.

“Dream come true to be able to direct again,” sabi ni Lino nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa press conference ng idinidirek niyang teleserye noong Martes, April 12.

Magandang timing daw ito dahil, “I'm a new dad, two years pa lang ang anak ko, and buntis ang wife ko, five months.

So, ang dami kong na-experience for the first time being a dad.

The show is about a father and a son, so parang perfect fit para sa akin.”

Dagdag pa niya, “Palagay ko lang, sa puntong ito ng buhay ko, I really want to go back to directing.

I stopped for three years. Ito naman talaga yung inaral ko, pinangarap ko growing up.”

Bagamat nagbabalik sa showbiz, hindi naman daw ibig sabihin nito ay kakalimutan na ni Lino ang serbisyo-publiko.

Katuwiran niya, “I think we're all meant to serve in different ways.

I think all of us have a role to play in the industry.

I think marami rin tayong maiimpluwensiyahan, marami rin tayong mase-share o maikukuwento na makakatulong din.”

Diin pa ni Lino, “I don't think in any way it's abandoning our call for a life of service.

I think in our own ways, we're also serving.

I think Super D is for fighting for the things you believe in whether nasa pulitika ka o nasa showbiz.

Sa tingin ko, lahat tayo ay may karapatan at may responsibilidad na ipaglaban.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN