Ruru Madrid-Gabbi Garcia starrer Naku, Boss Ko aims to educate Filipinos about voting wisely

Alam nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia na sobrang mainit ang labanan sa eleksiyon ngayon kaya hindi daw sila nahirapan sa kanilang mga eksena sa Naku, Boss Ko! ng GMA News and Public Affairs advocacy campaign.



Sa darating na April 25 sa GMA Telebabad, ipapalabas na ang 8-part series na political romantic comedy show na Naku, Boss Ko!

Ang Naku, Boss Ko! ay isang political satire na may halong kuwento ng pag-ibig sa pagitan ng mga bidang sina Ruru Madrid bilang si Jon G at Gabbi Garcia sa papel ni Che.

Si Jon G ay walang planong tumakbo sa pagka-mayor sa bayan ng Malaya ngunit nang maging viral ang isa niyang video, pinilit siya ng kanyang amang si OMG (ginagampanan ni Leo Martinez) na pumasok sa pulitika.

Kahit walang kaalam-alam sa pulitika, magiging maayos ang takbo ng kampanya niya sa tulong naman ng isang political strategist na si Miss F na ginagampanan ni Tessie Tomas.

Sabi ni Ruru, “Sobrang bago po para sa amin kasi parang never pa po naming nagagawa yung medyo may polictics pang kaunti, hindi lang konti as in buong story talaga.”

Dagdag naman ni Gabbi, “Everything is new kasi parang fresh kami from a drama series.”

Ang huling pinagsamahang show ng loveteam nila Gabbi at Ruru (GabRu) ay ang Let the Love Begin.

Kahit hindi pa botante ang dalawa, aware naman daw sila sa mga nangyayari sa mundo ng pulitika sa bansa lalo na ngayong papalapit na ang presidential elections sa Mayo.

Lahad ng 18-year-old star na si  Ruru, “Aware naman kami kung ano man ang nangyayari sa mundo, I mean sa politics din.

“So feeling namin, alam naman po namin yung sa likod nun, yung parang ganun so medyo may idea na po kami kung paano namin gagawin [sa serye.]

Kuwento naman ni Gabbi, “Especially when we read the script, its all in there talaga of what… kung ano yung currently nangyayari sa atin ngayon, it’s all in there specifically without mentioning anyone.

“Ako nagbasa-basa rin ako about the news, yung mga debate-debate, I watched them.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang media sina Gabbi, Ruru, Tessie, Leo, at ang director na si Marlon Rivera sa pocket presscon ng Naku, Boss Ko! tanghali ngayong Huwebes, April 14.



WHAT TO EXPECT FROM THE SHOW.
Ayon pa sa director ng show, bukod sa katatawanan, mga eksenang may kilig, may instructional din sa ilang eksena tungkol sa kung paano bumoto, at iba pa na may kinalaman sa elections.

Ano naman kaya ang matutunan ng mga manonood ng Naku, Boss Ko?

Ayon sa 17-year-old Kapuso star na si Gabbi, “A lot because this show is parang this is an easy way of a younger and youthful way to deliver to the audience kung paano ba talaga ang nangyayari sa likod ng election [campaign].

“It’s not really a serious political series kundi hinaluan siya ng rom-com para mas madali siyang maintindihan lalo na ng mga kabataan which is the future, kailangan talaga nilang panoorin ‘to para ma-orient sila.”

Pagtatapos pa ni Ruru, “Saka ito rin po yung parang last message sa lahat ng mga botante kung sino ba talaga ang iboboto nila.

“Maging matalino po sila sa mga iboboto nila.”

Ang Naku, Boss Ko! ay isang advocacy campaign ng GMA News and Public Affairs upang magabayan ang mga botanteng Pilipino sa kanilang tamang pagpili ng mga kandidato na kanilang iboboto sa darating na May 9 presidential elections.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN