New Kapamilya star Ritz Azul reveals dream leading men

Ritz Azul says about Ang Probinsyano co-star Coco Martin: "Maalaga siya. Sobrang gentleman niya."




Matagal na raw gustong makatrabaho ni Ritz Azul si Coco Martin bukod sa iba pang Kapamilya actors na sina Paulo Avelino at John Lloyd Cruz. Kaya naman nagpapasalamat siya sa ABS-CBN at sa Dreamscape Entertainment Television na sa paglipat niya sa Kapamilya network ay agad siyang isinama sa teleseryeng pinagbibidahan ni Coco, ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Dream come true raw ito para sa bagong Kapamilya actress. Pumirma si Ritz ng exclusive two-year contract sa ABS-CBN noong April 12.

“Kasi sabi ko gusto kong makatrabaho si Coco Martin, sinabi ko iyon. So, dream come true ito. Tapos parang two days before ng contract signing, sabi, ‘O, may taping ka ng Ang Probinsyano after ng contract signing mo.’ ‘What?’ sabi ko. ‘After ng contract signing kasama ko na agad si Coco?’ parang ganun,” natutuwang sabi ni Ritz.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Ritz sa set visit ng FPJ’s Ang Probinsyano kaninang tanghali, April 15, sa Pio del Pilar Elementary School sa Pureza St., Manila.

 
MEETING COCO & SUSAN ROCES. Kumusta ang naging first taping day niya?

“First taping day, siyempre, hindi ko pa masyadong kilala lahat ng prod (production), naninibago pa ako. Pero everyone is nice. Talagang inalagaan din nila ako, tinulungan nila ako. And kahapon [April 14] ko pa lang nakaeksena si Coco Martin.”

Ano ang naging experience niya kasama si Coco?

“Grabe, para akong nagkaroon ng coach sa eksena, sa taping. Tinuturuan niya ako ng, ‘Eto ang magandang gawin… Gawin mo ito, ganyan-ganyan. Tapos eto ang magandang gawin mo sa eksena mo, eto ang atake mo.’ Pati character tinuturo niya sa akin. Sabi ko, ‘Wow, kung hindi ko pa magagawang mabuti itong sarili ko, ewan ko na lang,’ sabi ko sa isip ko. Sobrang thankful ako kasi lahat supportive talaga, from management hanggang sa pinakababang prod ng Probinsyano.”

Paano siya winelcome ni Coco sa set?

“Paano ba yung una naming pagkikita? A, dinner time noon, nasa ilalim siya ng tent, lumapit ako, nagpakilala ako.”

Bukod kay Coco, una rin daw niyang na-meet sa set ang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces, na gumaganap naman bilang lola ni Coco sa teleserye.

“Kasama rin doon si Tita Susan. Si Tita Susan muna nag-usap kami. Tapos sabi niya, kilala niya daw ako. Parang, ‘Si Tita Susan kilala ako!’ sabi ko sa isip ko. Kasi kasama ko si Ms. Sheryl Cruz noon sa Nagbabagang Bulaklak [2011], e pamangkin niya. Naalala pa niya, sabi ko sa isip ko. Kinikilig-kilig naman ako.

“Tapos si Coco Martin, sabi ko, ‘Hi, I’m Ritz!’ ‘Hi,’ sabi niya. Nagka-chit-chat ng konti at saka nagkasabay kumain.”

 
CRUSH KO SI COCO! Bigla niya bang naging crush si Coco?

“Ang pogi ni Coco!” sabay tawa niya.

Bukod sa kapogian, ano pa ang na-discover niya kay Coco?

“Maalaga siya. Sobrang gentleman niya. Iyon nga tinuturuan niya ako sa mga eksena. Wala ka nang hahanapin. Parang wala kang masasabing masama, kasi lahat nandun na sa kanya.”

So, naging crush na talaga niya si Coco?

“Oo, crush ko siya!” buong ningning na paghahayag ni Ritz.

Wish nga ni Ritz na sana raw ay tumagal ang character niya sa Ang Probinsyano para mas matagal pa niyang makasama si Coco.



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN