Matteo Guidicelli on his Italian accent in Dolce Amore: "Na-research ko naman yung mga accent na iyan."

by Glen Sibonga
Apr 18, 2016


Aware si Matteo Guidicelli sa iba’t ibang criticisms na natatanggap niya sa kanyang pagganap bilang si Gian Carlo De Luca sa Dolce Amore. Positibo man o medyo negatibo, tinitignan niya raw ang mga ito bilang patunay na interesado ang mga tao sa kanilang ABS-CBN primetime teleserye.

“It’s very nice, I guess, because it’s creative criticisms, di ba? So, masaya dahil Dolce Amore is rating very well and a lot of comments, a lot of nice and bad comments online. So, it’s very nice that the people are very interested in the soap and it’s all because of our writer, Kuya Mark [Duane Angos] and our directors, si Direk Mae [Cruz-Alviar] and si Direk Richard [Arellano], they are just excellent people, ang galing nila,” sabi ni Matteo.

Naapektuhan ba siya ng criticisms?

“Hindi naman, dahil you know, all of us, Liza [Soberano], Ms. Cherie Gil, Enrique [Gil] and myself, all of us we just give our best all the time, di ba? We researched our characters well.”

Continue reading below ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ABS-CBN News si Matteo sa launching niya bilang bagong celebrity endorser ng Saucony running shoes na ginanap noong April 13 sa Exploreum sa SM Mall of Asia, Pasay City. Bukod sa pagiging artista, aktibong triathlete din si Matteo at sumasali sa mga race at competitions kaya perfect daw ang pag-endorse niya ng Saucony.

ON TEDDY BOY LOCSIN JR. Pero kapag siya na ang tinitira katulad ng ginawa sa Twitter ni Teddy Boy Locsin Jr., na tinawag na pathetic ang pag-imitate ni Matteo sa isang Italian lalo na ang accent sa pagsasalita, ano ang reaksyon niya rito?

“Wala, tumawa lang ako dahil na-research ko naman yung mga accent na iyan kasi Italyano naman ako and kumbaga natrabaho naman natin yung character na iyan.”

Di ba may nagga-guide naman sa kanila sa set?

“Meron din, we have an Italian tutor there just to make everything proper. But aside from that, I grew up from an Italian family, I’ve done my reaserch, I speak the languang and marami akong pegs and everything.”

Continue reading below ↓

May gagawin ba siyang improvement?

“Hindi naman sa improve, I just kept what I started with. Kumbaga if we’re talking about the accent, I just kept what I started with. Siyempre everyday naman is a learning process, and si Direk Mae naman is guiding us very well. Ayos naman lahat.”

LIZQUEN FANS. Kumusta naman ang relationship ni Matteo sa LizQuen (Liza-Enrique) fans?

“Very nice, they are very nice people. Wala akong bashers ngayon e. LizQuen fans, they’re very nice, they’re very warm, they’re very cool, and I really like them, so maraming salamat sa inyo.”

Kahit na ba may nagsasabi na, “I hate Gian Carlo”?

“Oo, sinasabi nila, “I hate Gian Carlo, but I love Matteo.” Salamat!”

Si Gian Carlo kasi ang third party sa pag-iibigan nina Serena (Liza) at Tenten (Enrique) sa Dolce Amore.

Continue reading below ↓



Read Next
Read More Stories About
Matteo Guidicelli
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results