Kathniel to be featured in Magandang Buhay, morning show that will replace Kris TV

Karla Estrada, Melai Cantiveros, and Jolina Magdangal host Magandang Buhay, which replaces Kris TV beginning April 18, 2016.



Sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang unang guests sa Magandang Buhay, ang ABS-CBN morning show na papalit sa Kris TV.

Ang ina ni Daniel na si Karla Estrada ang isa sa mga hosts ng bagong morning show, kasama sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal. Mapaamin kaya ng Queen Mother si Daniel tungkol sa status ngayon ng relasyon nila ni Kathryn?

Mga bagong revelations ng Kathniel at makabuluhang usapan tungkol sa young love ang matutunghayan sa Magandang Buhay na mapapanood simula ngayong Lunes, April 18, at 7:30 AM sa ABS-CBN.

Ito ang unang pagkakataon na magsasama sa isang talk show sina Karla, Melai, at Jolina matapos silang maging close at magkatrabaho sa Your Face Sounds Familiar kaya naman ganoon na lang ang excitement nila sa proyekto.

Ibabahagi sa Magandang Buhay ang iba’t ibang kwento at karanasan ng ordinaryong individuals at maging ng celebrities.

“Matuto tayo makuntento. Marami kaming tatalakayin dito na mahihiya tayong magreklamo. Dapat maging thankful tayo,” paliwanag ni Karla.

“Gusto ko pag nanood sila maging masaya sila at may matutunan sila about life. Huwag ito masyadong seryoshin, i-enjoy lang ito. Simple lang ang buhay, di ba, ba't kailangan mo ikritikal,” sabi ni Melai.

“Sana sa pamamagitan ng show ay mabura ang pagiging nega ng manonood sa buhay. Na kahit may problema tayo, iisipin mo pa rin na ang sarap mabuhay. Ipapakita naming dito kung ano nga ba talaga ang magandang buhay,” sabi naman ni Jolina.

Dagdag pa ni Jolina, “Noong binanggit to sa akin di ko pa alam na talk show. Dun pa lang sa thought na kasama ko sila, ang saya ko na. Kahit ano pa to sabi ko. Dun pa lang naexcite na ako.”

Nang tanungin naman kung sino ang gusto nilang makapanayam sa show, parehong si dating ABS-CBN president Charo Santos-Concio ang sagot nila, habang iba naman ang sagot ni Karla. “Sana ma-invite namin si Brad Pitt or George Clooney.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN