Joyce Bernal hopes to see Andre Paras and Barbie Forteza tandem in a movie

Joyce Bernal on Andre Paras and Barbie Forteza (both in photo): "May chemistry naman na sila noong The Half-Sisters pa lang. Sana I will get to work with them again, sana sa isang movie naman. Feeling ko magki-click din ang tandem nila on the big screen."



Mami-miss raw ni Direk Joyce Bernal ang pakikipagtrabaho kina Barbie Forteza at Andre Paras dahil tapos na ang kanilang GMA primetime teleserye na That’s My Amboy.

Masyado nga raw naging close si Direk Joyce sa buong cast and crew ng teleserye.

“Ang sarap katrabaho ang mga taong alam mong magagaling sa ginagawa nila.

“Working with the people of That’s My Amboy ang isa sa pinaka-enjoyable na set na pinagtrabahuan ko.

“I always look forward sa mga tapings namin, lahat kasi masaya at lahat ready agad.

“Walang may attitude at walang nagpapa-late, yun ang gusto kong mga katrabaho.

“Napapadali nila ang buhay ng maraming tao sa set, and it makes me love these people more.

“Kaya ang hirap isipin na matatapos na kami,” pahayag ni Direk Joyce nang makapanayam namin siya sa taping ng That’s My Amboy sa Fisher Mall in Quezon City.

Noong una pa lang daw ay bumilib na siya sa tambalang AnBie at habang nagtatrabaho nga raw sila ay lalo niyang nakita ang chemistry nila Barbie at Andre.

“May chemistry naman na sila noong The Half-Sisters pa lang, ‘di ba?

“Two years din silang magkasama doon.

“Noong gawin namin ang That’s My Amboy, natutuwa ako sa kanilang dalawa.

“Mga bata kasi, e, ’tapos alam mong mga professionals.

“First time ko silang makakatrabaho kaya medyo nangapa pa ako noong mga first few taping days.

“Pero mabilis kong nahuli ang kiliti ng dalawa.

“Nahanap ko agad yung bagay na iyon that made them click hanggang sa maging okay kami.

“I let them do their thing kasi may sarili silang style sa pag-arte, e.

“Lalo na si Barbie, napakanatural nilang dalawa.

“Sana I will get to work with them again, sana sa isang movie naman.

“Kasi feeling ko magki-click din ang tandem nila on the big screen,” ngiti pa ni Direk Joyce.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN