Coco Martin on new leading lady Ritz Azul: "Masaya, magaling yung bata. Saka mabait."




Nabalita kamakailan na kaya daw pinatay ang karakter ni Bela Padilla sa Ang Probinsyano ay dahil may hidwaan daw na namagitan sa kanila ni Maja Salvador.

Ito ay sa kabila ng naging pahayag na ni Bela na health reason ang dahilan kung saan nagkaroon daw ng problema ang kanyang mga mata dahil sa sobrang puyat.

Sa interview ng PEP.ph at Cinema News kay Coco sa nakaraang 47th Guillermo Mendoza Box Office Entertainment Awards nung April 17, agad namang klinaro ng aktor na walang katotohanan ang lumabas na balita.

“Hindi, hindi totoo ‘yan. Actually lahat kami masaya sa set. Si Bela talaga, yung character niya, sobrang habang-haba na yung nangyari sa character niya kaya lang talagang magaling, e, magaling, lalo pa naming napapaganda yung kuwento. Pero sa kuwento kailangan na talagang mamatay na yung character niya.”

Pumasok ang karakter ni Ritz Azul sa Ang Probinsyano at balitang isa sa magiging love interest ni Coco sa istorya, papuri naman ang binitawan ni Coco para sa bagong kapareha.

“Masaya, magaling yung bata. Saka mabait, sobrang mabait.”

Pinarangalan bilang Phenomenal Box Office Star ka-tie ang kasama sa pelikulang Beauty And The Bestie at sila John Lloyd Cruz at Bea Alonzo para naman sa pelikulang A Second Chance.

Inaalay naman ni Coco ang award para kay Direk Wenn Deramas na siya namang tinanghal bilang  Most Popular Film Director.

“Siyempre masaya kasi pinaghirapan namin ni Vice yun at lalong-lalo na inaalay talaga namin kay Direk Wenn. Sabi ko nga at least nakatrabaho ko siya, isa sa mga pangarap ko na makapagtrabaho kami at natupad. Natutuwa ako at nabigyan kami ng pagkakataon.

“Unang-una kay Direk Wenn, sabi ko nga kungdi dahil sa kanya di ko makakamit ito. Siyempre pangalawa sa family ko, kay God at sa lahat ng nagmamahal sa akin. Julia? Parte siya dun.”

Naparangalan naman ang Ang Probinsyano ng Highest Record Rating by a Primetime Teleserye of All Time kung saan nagtala ito ng 54% rating.

“Siyempre sobrang saya naman dahil tinatangkilik ng mga manonood at kahit papaano nakakatulong tayo sa ating bansa.

“Wini-wish ko na sana mas humaba pa, mas tumagal pa itong Probinsyano.”

Karamihan sa mga artistang ka-edad ni Coco kungdi man nagpapakasal ay engaged na. Kahit di pa kinukumpirma talaga ang estado ng relasyon nila ni Julia Montes na dati pa man ay nauugnay na sa kanya, tinanong namin ang aktor kung kailan kaya na siya naman ang papasok na sa pag-aasawa?

“Any time, malapit na, malapit na. Wala pa naman pero malapit na, hahahaha.”

Dahil ilang araw na lang ay national election na, binigay ni Coco ang mga katangian ng pangulo na iboboto niya at kung ano ang inaasahan niya sa susunod na mamumuno ng bansa.

“Siyempre boboto ako. Gusto ko talaga tapat, yung talagang magsisilbi sa ating bayan at talagang iniisip ang para sa lahat.

“Na sana matugunan ang pangangailangan nating lahat. Talagang gagawin niya ito ng taos puso sa kanya.”



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN