Joross Gamboa missed chance to shoot with Kathniel in Barcelona for Juan Happy Love Story

Joross Gamboa (in photo) missed chance to be part of Kathryn Bernardo-Daniel Padilla movie because of GMA-7 teleserye Juan Happy Love Story.



Bahagi si Joross Gamboa sa upcoming TV series ng GMA, ang Juan Happy Love Story na pagbibidahan nina Heart Evangelista at Dennis Trillo.

“Ano ito,  rom-com. Si Bob ako, tapos ano siya, soap opera na sitcom ang dating e,” ang paglalarawan ni Joross Gamboa sa new Kapuso show.

“Tapos kasama rin sina Ms. Lotlot [de Leon], si Kuya Gardo [Versoza].”            

Sa Juan Happy Love Story ay gaganap sina Heart bilang si Happy, si Dennis bilang si Juan, si Gardo Verzosa bilang si Boyong at si Lotlot de Leon bilang si Isay.

Isa itong naughty sitcom.

“Oo! Magugulat kayo dito kay Heart tsaka kay Dennis, iba talaga yung ano nila dito,” at  tumawa si Joross.

Ano ang magiging papel ni Joross bilang Bob?

“Ako yung kababata ni Heart na childhood best friend niya na may lihim na pagtingin. And then yumaman ako sa ibang bansa kasi nagsumikap ako at naimbento ko yung Tea-Gasin, tsaa, na nakakapag…” at tumawa si Joross.

Mala-viagra raw ang naturang tsaa.

“So naimbento ko yung Tea-Gasin, piloto ako so bumalik ako rito mayaman na ako kasi gusto kong mabawi yung the one who got away, si Heart. Kaso may Dennis na.”

Nakausap namin si Joross sa pictorial ng Juan Happy Love Story sa GMA Network Center.

Kontrabida ba siya kay Dennis?

“Kontrabida pero hindi nila ako maano kasi best friend ako ni Heart. At the same time parang ang pagkakontrabida ko kailangan hindi kaaasaran. Kailangan yung nakakatawa na kontrabida.”

Ipapalabas na sa GMA ang Juan Happy Love Story sa May 16.

May mga nagawang shows na si Joross sa GMA pero mga guestings lamang, pangalawang regular series niya ang Juan Happy Love Story sa GMA; ang una niya ay ang First Time nina Barbie Forteza at Joshua Dionisio noong 2010.

Ang huli niyang serye ay ang My Fair Lady sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko tinapos yun kasi nanganak yung misis ko sa States, so lumipad na ako dun.”

October, 2015 ipinanganak si Jace Kyler, ang first born son nila ng misis niyang si Katz Saga.

“Jace Kyler, meaning strong church or healing church.”

Kumusta siya bilang tatay?

“Eto, excited lagi umuwi ng bahay tapos tutok kasi simula ipinanganak yung anak ko, araw-araw kaming magkasama dahil four months akong nag-stop e, [sa pag-aartista] dahil nandun kami sa States tsaka sa Canada so kami lagi ang magkasama.

“Kaya hindi ako sanay ng matagal kaming magkahiwalay.”

Sa tanong namin kung kamukha niya ang anak niya ay dali-daling inilabas ni Joross ang cellphone niya para ipakita ang video ng anak niya na tumatawa.

“Lagi kong pinagmamalaki sa lahat,” pagtukoy ni Joross sa kanyang anak na kamukhang-kamukha nga niya.

Susundan na ba nila si Jace Kyler?

“Gusto ko sundan na para sunud-sunod na, para isang hirap na lang.

“E, sabi naman ng asawa ko, e, kung sa akin daw lalabas yung bata, okay lang, sunud-sunod daw,” at tumawa si Joross.

“E, kasi two days siyang nag-labor!”

Napag-usapan naman ang indie movie na ginawa ni Joross, ang I Love You Thank You.

Una na itong ipinalabas June of last year.

Sa I Love You Thank You ay gumanap siya bilang isang bading; maraming nahusayan kay Joross sa naturang pelikula.

Bakit mahusay siyang gumanap na bakla sa pelikula at sa telebisyon?

Kahit sa ilang drama anthologies ay nakaganap na ring gay si Joross.

“Malapit ang puso ko [sa mga gays],” ang simpleng sagot ni Joross.

“Na-practice,” sabay-tawa ng aktor.

May pelikula sanang gagawin si Joross para sa Star Cinema pero hindi siya natuloy doon.

Ito ay sa pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

“Tumawag si Inang sa akin, sinasama niya ako, sabi niya kasi, ‘Anak, hindi ka ba talaga puwede?’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Barcelona daw ang shooting ng naturang pelikula ng KathNiel.

“Yun nga, e. Sabi ni Inang, ‘Sa Barcelona tayo, anak!’

“Sabi ko, ‘Naku po, meron po akong soap dito sa GMA.’”

Ito nga ang Juan Happy Love Story.

“E sabi naman niya, ‘A ganun ba? Sayang naman.’

“Ako rin ang gusto niyang isama run, kaya lang sabi niya, ‘Siyempre ayaw naman kitang i-deprive diyan, siyempre ang soap naman, mas ano 'yan sa ano.’

“E, ninang ko din kasi sa kasal si Inang…”

Ang Inang na tinutukoy ni Joross ay ang lady director ng Star Cinema na si Olivia Lamasan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN