Ryan Agoncillo to host "Pinoy Fear Factor," trains for his role in "Pieta"


Ryan Agoncillo thought he screwed up his audition for thehosting job in ABS-CBN's Pinoy Fear Factor. "To be honest, I was resigned aboutFear Factor. Alam ko ang uuwian ko na lang dito sa Pilipinas that timewas that show from ABC-5 and my show Pieta. Yun ang pinaghahandaan ko,e. Sinuwerte lang talaga." For Pieta, Ryan says he's been running a lot to getin shape.



Nag-isip muna nang husto si Ryan Agoncillo bago siyanagbigay ng reaksyon sa hindi magandang mga comments sa Pinoy Idol ngGMA-7. Matatandaan na si Ryan ang unang host ng unang local "Idol" show dito sabansa via ABC-5's Philippine Idol.

"Ah, well, paano nga ba? Philippine Idol is my baby. I gave my best to that show. Kaminina Direk Rich Ilustre, ni Direk Mark Reyes, nina Mr. C [Ryan Cayabyab] who'sin PDA [Pinoy Dream Academy] now.

"It's not right for us to comment on how people take PinoyIdol now. Siguro the most I can say is that, uh...the same respect the peoplegave us when we were doing our version of Philippine Idol, I will givethe creators of Pinoy Idol now. Siguro hindi tamang mag-comment ako.I'll keep my thoughts to myself. Pero may ano, may pagmamahal ako para sa showna yun," pahayag ni Ryan sa presscon ng bago niyang show sa ABS-CBN, PinoyFear Factor.

IT WAS NOT OFFERED. Inalok din ba siya noon namag-host sa Pinoy Idol?

"No, it was never... I don't think it was ever an option.That's why I was the last one to find out that GMA is doing Pinoy Idol.Kasi alam ko yun...I don't know where we were. I think, if I'm not mistaken inone of our trips last year na pagbalik ko rito, ang nagsabi sa akin na hindi nahawak ng ABC-5 ang Pinoy Idol was Percy [Intalan, ABC-5 creative head].

"Then, he was the one who told me na definitely, well...wedon't have the season 2. And then when I talked to Miss Annette Gozon-Abrogar[GMA-7's VP for Program Management] last year, it was really never in the tablena ang Philippine Idol, their version, was gonna be for me. Nevernapag-usapan. That's why na-open up yung possibility of me hosting PinoyDream Academy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung inalok ba sa kanya noon ang Pinoy Idol,tatatanggapin niya?

"Ah, ako, nung time na ‘yon? Of course, why not? Kasi kunyari Pinoy Idol was offeredto me a long time ago? Ipagpapaalam ko kung puwede kong gawin dahil nga nasaGMA.

"Alam ni Tita Cory [Vidanes, ABS-CBN Head for TV Production]‘yon."

FROM PHIL. IDOL TO PDA TO PINOY FEARFACTOR. Ayon sa manager ni Ryan na si Noel Ferrer, nagsabi raw angABS-CBN executive na huwag tanggapin ni Ryan ang Idol franchise ng GMA-7dahil magpi-PDA si Ryan.

Pero hindi nga napunta kay Ryan ang PDA. For somevague reason.

Pero nilinaw ni Ryan na hindi siya bitter nung hindi nga sakanya napunta ang PDA.

"I was very vocal na hindi ako bitter. Hindi talaga para saakin, e."

Pero sinabi ni Ryan na hindi siya sanay ng walang ginagawangTV show.

"Kasi itong six months nga na pinagdaanan ko na walang show,e, nakaka-praning yun, di ba? Kaso nga,sabi ko nga kay Noel during one of my recent trips sa Amerika, sabi ko, ‘Noel,kung hindi masaya ang buhay ko during the past six months, baka nabaliw ako.'"

Kaya ba naisip niyang mag-propose?

"Hindi yun. It gave me time to spend with Judy Ann [Santos].It gave me time to finish my book, di ba? It give me time to plan my proposal.So, everything was falling into place for me. So, thankful ako."

SCREWING UP THE AUDITIONS. So ang kapalit ng di niyapagkakatuloy sa PDA ay ito na ngang Pinoy Fear Factor?

"Ayun na. The moment I got home from the States nung gabing‘yon na nabigay yun, natuwa ako. Kasi sa akin, resigned na ako na hindi komakukuha yung Fear Factor talaga. I was just really looking forward tocoming back."

Bakit ganun ang naging attitude niya?

"Because I knew I screwed up the audition. I wasn't able togive my best in the audition."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinu-sino ang nakita niya na iba pa na nag-audition for theshow?

"Hindi ko alam kung sino. Wala akong nakasabay. But you haveto think my ten years of hosting dito sa Pilipinas, the people from Endemol [owners of Fear Factorand Academy franchise] really don't give a damn about it. They just wantto see you. Hindi tayo kilala niyan, e. Yung audition tape lang talaga angbasehan nila. Hindi nila concern kungsino ka man. Wala, e, Same thing with Philippine Idol."

Inamin ni Ryan na nagkaroon siya ng "fear factor" na hindina sa kanya mapupunta ang show.

"Oh, yeah, definitely. To be honest, I was resigned about FearFactor. Alam ko ang uuwian ko na lang dito sa Pilipinas that time was thatshow from ABC-5 and my show Pieta. Yun ang pinaghahandaan ko, e.Sinuwerte lang talaga.

"'Yung Pieta nga very apologetic ako kina EnricoSantos. We were supposed to do August and ah...dumating yung Fear Factor.Thankful ako na they're open to movingthe taping to September. That was a bit of a concern, but...I mean, I'm thankful that Enrico pushed the taping scheduleback."

PREPARING FOR PIETA. Pieta is a remakeof the Ace Vergel movie in the ‘80s from Carlo Caparas's komiks novel. Handa narin bang mag-aksyon si Ryan?

"Yeah, well, you know it's interesting to watch na angaction stars ngayon sa U.S. hindi na sina Arnold Schwarzenegger at SylvesterStallone. It's the revenge of the nerds. He-he-he.

"So, you know theseguys [actors with "nerd" image] can play sensitive roles, which I've also done.They were never macho but they were given a shot at macho Hollywood summer movies. That's a worldwide trend andI think that‘s the kind of trend also surfacing in the Philippines.

"Kaya nagpapasalamat ako na sina Enrico, they are willing totake that risk. Somebody who didn't have the macho image as long as the roleand the interpretation is right, they are willing to give a shot. So, medyodoon din ako sinuwerte nung binigay ang Pieta."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpapaganda ba siya ng katawan ngayon para sa role niya sa Pieta?

"Yeah, sa Europe araw-araw ako halos tumakbo and then evenin the States, halos araw-araw din akong tumakbo. And then dito yung execiseregimen ko, almost every day.

"Nakakatuwa nga, e. Dahil, di ba, usually kapag bakasyon,bumibigat. Pag-uwi ko from Europe and from the States, gumaan ako. So,nagwo-work naman yung exercise."

Nagustuhan naman ni Judy Ann Santos ang katawan niya ngayon?

"Ah...e, pang-romansa ito. Ha-ha-ha!"

WHAT IS IT ABOUT RYAN? Back to Pinoy Fear Factor,ano ang sabi sa kanya ng Endemol kung bakit siya pumasa sa kanila as host ng PinoyFear Factor?

"Huwag na, para akong nagbubuhat ng bangko ko, e. Ha-ha-ha!

"O, sige na. Well, they told me they like my maturity levelsa hosting. Kasi nung naisip ko nga,‘Oo nga pala, ‘no? Ten years na nga pala akong nagho-host.' I'm not a hostanymore. Marami na akong pinagdaanang trials sa iba-ibang shows."

Si Ryan daw kasi ang tipo ng host na hindi na kailangangsundan point by point ang script niya for the show.

"Ah, no, no, no. The opposite of it. If you feel like thehost doesn't need a script anymore it only means the writer is doing avery good job. Kasi ako I always credit it sa mga writers ko na if I'm workingwith a good writer, then I'm a verygood host. Otherwise, it's really gonna be a tough time. Kasi ano lang namanyan, e, yung hosting nakikita mo pero yung nagsulat importante. Kasi like ako,experience ko with some of the really good writers that I've worked with,they're able to second how I'm gonna speak. I don't have to adapt to their speaking style. It's the writer reallywho sees kung paano ako nagsasalita. So, lilinawin na nila yung thoughts. Sa pagbasa ko ng script parang seamless na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PREPARING PSYCHOLOGICALLY. May fear ba siya na ibapara sa Pinoy Fear Factor?

"I'm really more scared about the psychological impact thatwill happen. Mag-isa ako sa Argentina [where Pinoy Fear Factor will be shot].Although, kasama ko sina Direk Lauren [Dyogi]. It's gonna be a boys club, kasiisang buwan mahigit, e."

Mami-miss niya si Juday?

"Ah, siyempre. Yun ang pinaghahandaan ko, yung psychologicalpreparedness."

Hindi ba siya madadalaw ni Juday sa Argentina?

"Dahil sa layo ng South America, even if she takes a leave for a week, that willtake her two days to go and two days to come back. So, she only has solid threedays, o two-and-half pa nga, depende kung ano. So, hindi siguro," tapos niRyan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN