Julia Montes, thankful for praise given to her by Claudine Barretto

Julia Montes (in photo) says about Claudine Barretto: "Aminado naman po from the very start nu'ng nagsisimula po ako, isa po siya sa mga ini-idolo ko."



Napakalaki ng pressure para kay Julia Montes ang titulong binigay sa kanya bilang Royal Princess of Drama. Aware si Julia na kadikit ng titulo niya ang mataas na expectation sa bawat paglabas niya in a drama show.

“Kailangan kong ibalik yung pagbigay nila doon sa akin lalo na ng ABS-CBN at lalo na ng Dreamscape,” lahad ni Julia sa thanksgiving presscon ng afternoon drama series niya sa ABS-CBN na Doble Kara.

Ang Dreamscape Entertainment Television ang lumikha ng teleserye na bahagi ng Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

“Mas lalo lang din po akong na-inspired at the same time gagawin ko pa po ang best ko, gagawin ko po ang makakaya ko para naman maging deserving po ako sa tinatawag nila sa akin.

“Hindi po ako napapagod at hindi po talaga magsasawa talaga na ibigay lahat ng kaya ko para mas maging deserving sa kung anuman po yung binibigay sa akin ng istasyon at ng Dreamscape.”

Gaano kahirap mag-portray ng dalawang characters sa isang teleserye?

“Nakakalito na po sa feelings. Pagdating ko nga po sa bahay hindi ko po alam kung paano may pagka-Sara po ba ako or yung Kara.”

May pagka-pyschological ba yun?

“Actually, depende sa damit ko. Sometimes, sabi ng family ko sa bahay, kapag umuuwi raw ako ganito ang damit ni Sara, pagka-pack-up, kasi hindi na po ako masyadong nagtsi-change paguwi sa bahay.

“Kilos ko raw, upo ko raw nadadala ko as Sara. Pag-damit naman ni Kara, ang hinhin-hinhin ko.  Hahaha!

“So, depende. Parang siguro nandoon pa ako samoment ko kung sino yung character ko nadadala ko pa siya sa bahay.

“Pero hindi naman ako nang-aaway, medyo tame naman ako. Kumbaga, yung kilos lang. kasi napansin din nila yun nu’ng sinurprise nila ako noong birthday ko.

“Dalawang surprise. Isa yung naka-Sara ako. Iba raw po talaga ako kumilos, ganyan-ganyan. Tapos noong Kara naman iba raw. Nu’ng pinanood nila sa akin, ‘Ay, oo nga ‘no.’

“Talagang kapag off-cam, parang nadadala ko yung mannerisms nu’ng kambal.”

How does it feel na isang gaya ni Claudine Barretto ay pinupuri ang pag-arte niya?

“Siyempre po unang-una, aminado naman po from the very start nu’ng nagsisimula po ako, isa po siya sa mga ini-idolo ko.

“So, yun pa lang po na nanonood siya, malaking bagay na po sa akin yun, and napansin pa po niya yung ginagawa ko or yung ginagawa ko sa trabaho namin.

“Rewarding, parang lahat ng pagod, wala. As in nawawala po talaga, so, mas lalo po akong nai-inspire gaya po nang sinasabi ko kanina. Mas lalo po akong nai-inspire na ibigay ko pa po ang best ko lalung-lalo na sa mga mangyayari pa na paigting nang paigting sa Doble Kara.”

Minsan na ring gumanap hindi lang dalawang characters in a single drama show si Claudine kundi tatlo sa primetime teleserye na Saan Ka Man Naroroon.

Hindi kaya may nakita si Claudine sa sarili niya sa performance na binigay ni Julia sa Doble Kara?

“Thank you, thank you,” tanging nasabi ni Julia.

Nagkaroon ba ng chance na nakausap niya si Claudine tungkol dito?

“Actually, super sweet po ni Ate Clau kasi may time po kapag, like ‘pag birthday ko, tatawag ‘yan.  

Kapag po may occasion, Christmas or New Year talagang hindi po siya nakakalimot. Nakaka-touch at nakaka-overwhelm po na naaalaala niya ako any time.”

Ano ang ginagawa niya para ma-differentiate niya ang dalawang characters na ginagampanan nya sa Doble Kara?

“Nu’ng una po talagang kinakabahan ako. Siyempre po noong sinabi pa lang po sa akin na kambal, nagiisip na ako kung [kaya ko]...ganoon naman po tayo, di ba?

“Kapag may dumarating na, iniisip mo na, ‘Paano kung ganito?’ ‘What if kung ganito?’ Ganoon po ako noong una.

“Sabi ko, ‘Paano kaya kung ganito?’ ‘Paano ko kung hindi ko magawa? Paano kung magkamali ako doon sa isa? Syempre nakakahiya po sa co-actors ko na uulitin pa yung scene.’ So, nago-overplay po ako.

“So, umabot po ako sa point na sa sobrang swerte ko na from the very start, Ate Danica [headwriter ng Doble Kara], ikre-credit ko po ‘to sa inyo. Ang ganda nang pagkakasulat, klarung-klaro from the very start yung pagkakaiba noong dalawa.

“Kaya po noong nag-workshop kami para i-list kung ano ang pagkakaiba ng kambal, naging klaro po sa akin. Hindi na po ako nahirapan na, ‘Ano kaya ang gagawin ko kapag si Kara?’ ‘Ano kaya ang gagawin ko kapag si Sara?’

“Nagiging automatic na po siya, and at the same time naman po sa set, yung mga actors ko, nararamdam ko kasi yung suporta nila and yung love at the same time. Kahit na dapat malilito na ako, nandiyan sila. Bumabalik lahat, ‘Ay, Sara ako.’ ‘Ay, Kara ako.’

“So, yun po, sobrang sweet lahat ng nasa set ng Doble Kara,” pagtatapos ni Julia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN