Jake Cuenca on love scenes with Yen Santos: "I'm always ready for that."

(L-R) Gerald Anderson, Yen Santos, and Jake Cuenca topbill ABS-CBN's new teleserye about triathletes titled Because You Love Me.



May bagong leading lady sina Jake Cuenca at Gerald Anderson para sa telebisyon. Ito ay si Yen Santos, na huling napanood sa ABS-CBN teleserye na All Of Me starring Albert Martinez at JM de Guzman.

Sina Jake, Gerald at Yen ang bida sa Because You Love Me, ang upcoming TV show mula sa business unit na Dreamscape.

Medyo kabado at nanlalamig si Yen sa press conference ng bagong teleseryeng dahil hindi raw siya makapaniwala na bibigyan siya ng ganito kalaking break ng Dreamscape.  

Ani Yen, “Ako rito si Elma, nakatira kami sa Mindoro mula sa simpleng buhay sa Mindoro ay na magiging isa akong magaling na triathlete.

“In real life hindi naman ako sporty na tao, very challenging yung role ko na ito, kasi iba sya sa lahat ng nagawa ko. Sa teleseryeng ito, makikita niyo yung sporty side ko naman.

“Isa pa medyo light yung character ko rito, sabi ni Direk Dan [Villegas] nagagawin niyang medyo realistic talaga yung character namin.”

Sa last teleserye mong All Of Me, medyo mature yung role mo since you had kissing scenes and love scenes with Albert Martinez and JM de Guzman. Dito ba may aabangang kissing scene with Jake or Gerald?

Yen: “Dito, hindi ko pa alam, kasi nga katatapos lang story conference namin. Pero kung sakali namang meron, okay lang naman sa akin yun, kung kailangan talaga sa istorya.”

Ito ang first time time mo to work with Gerald and Jake. Gaano mo kakilala sila kakilala bilang actor?

Yen: “As an actor, siyempre napapanuod ko na sila, nakikita kong effective sila sa mga role nila, kasi alam mong binibigay nila yung 100 percent nila sa karakter nila,  kaya pag pinapanuod mo sila ay kapit ka, kasi alam mong ini-own nila yung karakter.”

Anong first reaction mo nung nalaman mo na ikaw magiging leading lady nina Jake at Gerald sa bagong teleseryeng ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Yen: “Pagkakaalam ko lang noong una ay isa lang ako sa support or kasali lang ako na may maliit na role. Noong nalaman ko na ako pala ang magiging leading lady nila, halos manlamig ako sa kinauupuan ko at hindi ako makapaniwala.”

Nakapanayam din ng media si Jake Cuenca tungkol sa kanyang karakter at ito ang kanyang pahayag:

Jake, please tell us something about your role dito sa bago mong teleseryeng Because You Love Me?

Jake: “I’m supposed to be one of the No. 1 triathletes of the country, coming from a very rich family na may-ari ng isang airline company, pero yung obsession ko talaga ay yung pagiging triathlete then makikilala ko si Yen at igu-groom ko siya bilang isang magaling na triathlete.”

Anong masasabi mo na kinakabahan at excited daw si Yen na makatrabaho kayo ni Gerald?

Jake: “Oo nga, e, kino-comfort nga namin siya nina Gerald at Direk Dan [Villegas] but I’m so happy for her. Alam mo, natutuwa ako na parang nakikita ko sa mukha niya yung appreciation, that always nice to see her like that. It reminds me of my past noong nagsisimula pa lang ako.”

Yung last teleserye mo medyo sexy at nagpakita ka ng skin sa Pasion de Amor. Dito ba sa Because You  Love Me, may makikita rin bang more skin from Jake or more love scenes with Yen?

Jake: “Of course, kasi athletes kami, e, pagtakbo namin, malamang na papawisan kami at maghuhubad ng shirt, something like that. About love scenes, on my side, sinabi na sa akin na mayroon ngang mga love scenes. I’m always ready for that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN