Arci Muñoz on how her boyfriend deals with her sexy scenes: "Di na lang siya nanonood."

Arci Muñoz is paired with Jericho Rosales (left) and John Estrada in ABS-CBN's new teleserye titled Never Ever Say Goodbye.



Sa sabay na taping noon ng Pasion de Amor at ng pelikulang Always Be My Maybe, inamin ni Arco Muñoz sa mga interviews sa kanya na nabawasan ang oras niya para sa kanyang nonshowbiz boyfriend dahil sa pagiging abala sa magkasabay na proyektong ginagawa.

Pagkatapos mamahinga pansamantala sa sunod-sunod na mga trabaho, ngayon ay balik trabaho muli si Arci para sa ABS-CBN teleserye titled Never Ever Say Goodbye. Makakatambal niya rito sina Jericho Rosales at John Estrada kasabay ng shooting ng dalawang pelikula.

Sa pictorial ng nasabing teleserye nung Miyerkules sa Studio 8 ng ABS-CBN, tinanong namin ang aktres kung hindi kaya maging isyu na sa kanila ng boyfriend ang kawalan na niya ng oras dito ngayong sabay-sabay na naman ang mga proyektong ginagawa?

“We made sure naman, there’s assurance naman. Kung mahal ka naman ng tao, you’ll be happy naman talaga kung ano ang narating niya at kung nasan man siya ngayon. Kung anuman ang ginagawa niya, what will make him or her happy. Kung hindi, hindi magwo-work talaga yun.”

“Okay naman kami. Tahimik, tahimik naman ako talaga sa ganyan.”
 
Nagpakita ng kaseksihan niya sa Pasion de Amor at sa Always Be My Maybe si Arci, hindi raw kaya pinagselosan ng boyfriend pag napapanood nito ang mga sexy niyang mga eksena?

“Explain? Sometimes I have to. Just to avoid any arguments, di na lang siya nanonood.

“Selos? Ano, medyo, yun na nga ina-avoid na lang niya din manood. But he knows naman, he trusts me. Yun ang importante.”
 
Kung dati sa Pasion de Amor ay tatlo ang bidang babae na kinabibilangan nila Arci, Coleen Garcia at Ellen Adarna, ngayon ay bida at solo na ang aktres sa teleseryeng pagtatambalan nila ni Jericho. Di naman tinago ng aktres na nandun ang kaba at pressure pero mas nanaig sa kanya ang excitement at challenge na pagbutihan pa lalo ang trabaho.

“Feel so blessed, really, really thankful. Really don’t know what to expect, I will really give my all.

“Of course, there will always be pressure talaga. Siyempre medyo tensyonado, nangangapa pa rin uli kasi medyo matagal akong nagpahinga but I’m really excited. Exciting kasi bukod sa maganda yung istorya, magagaling yung mga artistang kasama ko so mape-pressure ka talaga.”




In the Instagram account of rsbdramaunit, this photo of Arci Muñoz and John Estrada was posted with the caption: "Ano ang magiging papel ni Juancho @john__estrada sa buhay ni Aryann @ramonathornes. #NeverEverSayGoodbye malapit na sa ating #PrimetimeBida! Abangan!" 



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN