Director Louie Ignacio gives hint about Dingdong's surprise for Marian Rivera on Yan Ang Morning

Yan Ang Morning director Louie Ignacio on Marian River's biggest challenge as a host: "Yung Yan Ang Morning, parang biggest challenge kay Yan as a host, as an artist, totoo yun. Hindi siya puwedeng walang alam sa topic. Yung simpleng soap opera niya lang, nagbabasa siya ng script, alam niya."



Sa nakaraang dance show ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ay si Louie Ignacio ang naging director niya.

Pero hindi siya nagtagal dito at iba ang nagpatuloy na director.

Kaya nang makita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Louie sa ginanap na presscon ng Yan Ang Morning, ang bagong morning talk show ni Marian sa GMA-7 na magsisimula ng mapanood ngayong Lunes, May 2, sinabi naming balik na naman siya bilang director ng show ni Marian.

“Oo.

“Pero nawala naman ako noon kasi nag-movie ako.

“Biglang nag-second season. Pero kalimutan na natin yun,” pakiusap niya.

Personal choice ba siya ni Marian na maging director muli ng talk show nito?

“Sabi niya, yes.

“E, ako naman, sanay na rin sa morning talk show.

“Surprisingly, si Marian matalino. Hindi naman kami nagkakasama, wala kaming bonding.

“Tapos, ngayon ko lang siya nakasama sa talk show, na kapag host ka at wala ka nito, hindi ka matalino, goodbye, babu,” saad niya.

Humanga daw siya kay Marian sa ipinapakita nito.

Dagdag niya, “Ngayon kasi, puro taping kami. Pero sabi ko sa kanya, after ng first taping namin, mag-live ka na sa next.

“Ang galing, e.”

BIGGEST CHALLENGE AS HOST. Hindi raw madali ang mag-host ng isang talk show lalo na kung iba-iba ang tema at nakakausap sa araw-araw.

Ayon kay Direk Louie,“Yung Yan Ang Morning, parang biggest challenge kay Yan as a host, as an artist, totoo yun.

“Hindi siya puwedeng walang alam sa topic. Yung simpleng soap opera niya lang, nagbabasa siya ng script, alam niya.

“Pero ito, may mga on-the-spot na tanong yung mga audience.

“At saka yung mga audience namin, hindi namin binabayaran, ini-invite namin.

“Halimbawa, yung buong village, like yung mga richie-rich na village, siyempre, mate-turn-off yun kung walang alam ang host.”

FOCUS ON LIFE AS MOM. Sa ngayon daw, dahil bagong mommy si Marian, sinadya nilang mag-focus sa aspetong ito ng kanyang buhay ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi nga ni Direk Louie, “Inuuna namin, sinamantala namin kasi, new mom siya.

“Tapos, pipigain namin at aalamin namin kung alam niyang maging nanay.

“E, di ba, ‘yan nga ang mga responsibilities, hindi lang sa anak, responsibility niya sa asawa niya, kay Dingdong [Dantes].”

Magiging guest ba sa Yan Ang Morning ang anak nina Marian at Dingdong na si Maria Letizia?

“Hindi ko pa alam… pero sa Mother’s Day, panoorin niyo. Nag-surprise si Dong.”

FEARLESS FORECAST. Si Direk Louie rin ang naging director ng mga nauna ng morning show ng GMA-7 tulad ng Sis na tumagal ng ilang taon noon at ang Everyday Happy.

Kaya tinanong namin siya kung sa tingin niya ay magtatatal din ang bago nilang programa.

“Oh yes, yes! Oo naman,” saad niya.

“Depende naman sa trending din kung gusto talaga siya ng tao.

“E, I’m sure yung topic na yun, gusto.

“Ang target naman namin ay forty and above and mothers yun.”

Ayon pa kay Direk Louie, “Expert si Marian sa luto, ang galing niya.

“Parang makikita sa kanya kung paano siya gumalaw.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN