Marian Rivera compares her new morning talk show to former dance show

by Rommel R. Llanes
May 2, 2016
Marian Rivera reveals the more demanding challenges she had to hurdle when she was still hosting her former dance show: "Ang hirap naman ng Marian. May rehearsal yun, kasi dalawang araw ang rehearsal ko dun, tapos inaabot ako hanggang alas-dos ng madaling araw."


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa presscon ng Yan Ang Morning! noong nakaraang Huwebes, April 28, sa GMA Network Center.

Dahil talk show ang format ng Yan Ang Morning, ang bagong show ni Marian Rivera sa GM-7, tinanong namin siya kung hindi niya nami-miss ang dati niyang musical variety show na Marian.

Umere ito noong June-December 2015 bago sila ikinasal ni Dingdong Dantes.

May posibilidad kayang mabalik sa ere ang naturang musical variety show niya?

Pagbabalik-tanaw niya, “Ang hirap naman ng Marian.

May rehearsal yun, kasi dalawang araw ang rehearsal ko dun, tapos inaabot ako hanggang alas-dos ng madaling araw.”

Hindi na kasi kaya ni Marian ang ganoong schedule dahil hands-on ito bilang ina ni Maria Letizia o Baby Zia.

Aniya, “May rehearsal naman, may mga briefing naman pero at least sa bahay ginagawa.

E, paano naman ako makakapag-rehearse ng sayaw sa bahay?”

Banggit namin kay Marian, mami-miss ng mga fans niya ang pagsasayaw niya sa mga production numbers.

Continue reading below ↓

Well, sa Sunday PinaSaya, nag-usap na kami ni Tatay, naglalambing sa akin si Mr. T [Tony Tuviera] gusto niya sumayaw uli ako.

Well, nung last Sunday, sumayaw naman ako,” lahad niya.

Regular na ba siyang mapapanood na sumasayaw sa Sunday PinaSaya?

Patuloy pa niya, “Hindi naman, siguro sabi niya kahit once a month sumayaw ako, sabi ko, ‘Sige po, Tatay!’”

Mapapanood ang Yan Ang Morning! simula Lunes, May 2, mula 10:45 to 11:30 ng umaga, sa direksyon ni Louie Ignacio.

Sa Yan Ang Morning, may topic ba siyang ayaw i-tackle?

Wala! Siguro sa ngayon lang, ang lahat ng dini-discuss namin is about motherhood. Pero the rest is maiiba naman siya all throughout.”





Marian Rivera talks about her first daily talk show #YanAngMorning @therealmarian

A photo posted by PEPalerts (@pepalerts) on




Read Next
Read More Stories About
Marian Rivera
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera reveals the more demanding challenges she had to hurdle when she was still hosting her former dance show: "Ang hirap naman ng Marian. May rehearsal yun, kasi dalawang araw ang rehearsal ko dun, tapos inaabot ako hanggang alas-dos ng madaling araw."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results