Dennis Trillo admits he was afraid of commitment "five years ago"



Parehong balik primetime series ng GMA-7 sina Dennis Trillo at Heart Evangelista.

Sa pagkakataong ito, bukod sa may pagka-romantic-comedy ang tema ng Juan Happy Love Story na magsisimula ng mapanood sa May 16, may pagka-sexy at naughty pa ito.

Ayon naman kay Dennis nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Postal) sa ginanap na presscon kagabi, May 2, sa La Madera Gastronomic Pub, sa Tomas Morato, ??May pagka-sexy siya, naughty, pero hindi naman seryoso.

??Kahit maraming mga eksenang ganun, masarap pa rin gawin kasi hindi siya yung kagaya ng serious drama talaga na seryosong halikan. Yung hindi ka maiilang panoorin kasi, kahit na intimate na eksena, hindi ka maiilang.??

Dugtong pa niya, ??Romcom siya, tapos situational comedy na naughty and sexy. Hindi siya slapstick. Yung Poor SeƱorita, yun ang slapstick. So masaya kasi binigyan kami ng chance ng GMA na makagawa from serious heavy drama to this, sobrang light lang.??

Gaano ka-sexy ang sexy nila rito ni Heart?

??Hayun, nakita niyo naman ang trailer, ang character ko rito, sobrang pilyo niya na playboy, takot sa kasal and gusto niya na mag-enjoy talaga. Hindi siya yung tipo ng seryoso.

??Until na-meet niya si Happy na unti-unti, nagpabago sa buhay niya. Pero makikita niyo rin ang mga problemang pinagdadaanan ng mag-asawa. Pero hindi siya mabigat.

??Kung meron man conflict, hindi siya yung serious. Katulad ng sinabi ni Joross [Gamboa], kahit yung sinasabing mga kontrabida sa show, hindi sila yung typical kontrabida.??

Nabanggit niya na ang karakter niya bilang si Juan ay takot magpakasal, sa commitment, may pagkakatulad ba ito sa totoong buhay?

Natawa si Dennis saka sinabing, ??Meron din naman, five years ago.

??Siyempre, habang binata pagdadaanan din naman ??yan, habang nag-eenjoy siya, hindi niya maiisip magseryoso. Lalo na itong character ko, gusto niyang matikman ang lahat ng babae.

??Sobrang pilyo niya at babaero. Kaya yun, kailangan kong mag-research, pag-aralan talaga lahat ng character ko rito.??

Paano siya nagri-research kapag naughty ang role?

??Nagtatanong ako, sa mga barkada ko, mga experiences nila, inipon ko lahat yun. Tapos, ginamit ko rito para pagbuo ng character.??

Sa totoong buhay, hindi ba siya naughty?

??Hindi masyado,?? natawa rin niyang sabi.

Dugtong pa niya, ??Kaya kailangan ko ng puspusang pagsasaliksik. Katulad ng sinabi ko, yung character ko siguro, similar five years ago.??

Sino na pala ang Dennis ngayon?

??Siyempre, nag-mature na. Napapaisip na sa mas seryosong bagay. Pero, napapaisip pa lang naman, hindi pa siya decided.

??Magandang sign, at least, nagbago, for the better,?? nangiti niyang sabi.

Aminado naman si Dennis na sa ngayon, hindi pa rin daw niya nakikita ang sarili na handa na nga siyang magpakasal.

Ayon sa aktor, ??Hindi pa e, konting panahon pa siguro para mas maging mature pa. Mas mahinog pa lalo ang pag-iisip ko. Kasi, seryosong bagay ang marriage, e, ??di ba?

??Kailangan desidido ka at sigurado ka.??

Nakita na kaya niya yung babaeng kung sakali, puwedeng makasama niya sa ganoong situwasyon?

??Hindi ko masabi, e. Ayokong magsalita ng patapos.??

Kung anuman ang meron silang dalawa ni Jennylyn Mercado, sa palagay ni Dennis ay nakakatulong daw sa kanila na tahimik lang sila.

Sabi nga niya, ??Tingin ko, kahit sino naman siguro, mas gusto na hindi masyadong pinagpipiyestahan ang mga nangyayari sa buhay-buhay nila, yung ganun.??

Pero, anong label na nga ba ang relasyon nila?

??Wala e, hindi ako yung taong nagle-label o nagpapangalan ng stages sa mga relasyon.??

Sa isang banda, inamin naman ni Dennis na exclusively dating talaga silang dalawa ni Jennylyn.

Ang huling pinagsamahan naman nila ni Heart ay ang fantaseryeng Dwarfina pa.

Ilang taon na rin ang nakalilipas.

Kumusta naman si Heart ngayon?

??Well, ang nakitra ko sa kanya, ang dedication niya sa trabaho, nandoon pa rin. Hindi siya nagpa-apekto at nagbigay ng mga limitations kung ano ang gusto niyang gawin.

??Nakakatuwa yun and humanga ako sa kanya dahil hindi naging dahilan yung kasal na siya para malimitahan ang mga kailangan niyang gawin lalo na sa mga eksenang importante at hindi puwedeng hindi gawin o iwasan.??

Hindi siya nailang sa mga kissing, love scene nila lalo na??t may asawa na si Heart, si Chiz Escudero, at ngayon ay tumatakbo pang Bise-Presidente?

??Well, natural lang ang ilangan sa umpisa pero kung iisipin mo, at the end of the day, lahat naman ng ginagawa rito, trabaho lang. Lahat naman kami rito gumagawa ng eksena lang naman na sinusunod namin para makabuo ng kuwento.

??So hindi ko na lang iniisip yung mga ganung bagay para hindi rin ako malimitahan sa mga puwede kong gawin at maitawid ko ang mga bagay na yun.??

Pareho silang mga professional artists ni Jennylyn, pero yung pareho silang may mga intimate scenes sa mga kapareha nila ngayon, paano nila yung pinag-uusapan o hindi ba sila naapektuhan din?

??Matagal na kaming artista so yung mga ganyang problema, hindi na namin nae-encounter at saka, nagiging masaya lang kami sa success ng bawat isa.

??Feeling ko, yun ang importante kesa magselos or whatever,?? saad niya.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN