Jean Garcia on Pangako Sa Yo: "Nakakatuwa na maririnig mo sa mga tao na mas gusto nila yung original."



Mabait ang papel ni Jean Garcia sa Once Again: ano ang mas gusto niya, mabait siya o salbahe sa harap ng kamera?

“Well, both! Pero kasi ang binibigay  naman nila [GMA management]  sa akin ngayon kahit na mabait, lumalaban. May ganung factor. Pero hindi yung talagang, alam mo yung katulad dati Madam Claudia na talagang, ‘Rawr!’”

At nabanggit na rin lamang si Madam Claudia, ano ang masasabi ni Jean sa opinyon ng marami na hindi napantayan ang Madam Claudia at Amor Powers nila ni Eula Valdes ng Claudia at Amor nina Angelica Panganiban at Jodi Sta. Maria sa Pangako sa ‘Yo?

Tumawa lamang si Jean at ayaw sanang magsalita pero pinilit namin ang aktres.

“Well, at least they tried,” ang tumatawa pa ring bulalas nito.

“Hindi pero alam mo, maraming-maraming salamat din, at siyempre nakakataba ng puso everytime na sinasabi nila na, you know, mas better daw yung Pangako before, ganyan.

“Pero pinagpaguran din naman ng mga bata, yung bagong henerasyon yung Pangako Sa ‘Yo na bagong henerasyon, pinagpaguran din naman nila.

“Nakakatuwa lang na maririnig mo sa mga tao na mas gusto nila yung dati, yung original, ganun...”

Nakausap namin si Jean sa presscon ng Once Again, ang soap opera nila nina Janine Gutierrez at Aljur Abrenica.

Sa romantic drama series na ito ay gaganap si Janine bilang si Reign Soriano / Des Mateo at si Aljur naman bilang si Edgar del Mundo / Aldrin Sanchez.

Gaganap naman dito si Jean bilang si Madel Mateo at sina Sheryl Cruz bilang Agnes Carbonnel; Chanda Romero bilang Carmen Mateo; Joko Diaz bilang Lukas Carbonnel; Emilio Garcia bilang Tony Sanchez; Timmy Cruz bilang Nancy Sanchez; Thea Tolentino bilang Celeste Lacson at Jeric Gonzales bilang JV Sanchez.
 
May special roles sa Once Again sina Christopher de Leon bilang Ricardo Soriano; Bembol Roco bilang Romulo del Mundo; Irma Adlawan bilang Cecilia del Mundo; Sharmaine Arnaiz bilang Violeta Soriano at Phytos Ramirez bilang young Lukas Carbonnel.

Ang Once Again ay sa direksyon ni Don Michael Perez.



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN