Jolina Magdangal regrets postponement of TV show but happy for Toni Gonzaga's pregnancy

Jolina Magdangal regrets that Written In Our Stars is postponed but she is happy for Toni Gonzaga's pregnancy.



Ngayong kumpirmado na ang pagbubuntis ni Toni Gonzaga, isa sa trabahong naantala at naka-hold ngayon ay ang teleseryeng Written In Our Stars. Ang ABS-CBN show na ito ay dapat pagsasamahan nina Toni Gonzaga, Jolina Magdangal, Sam Milby, at Piolo Pascual.

Aminado naman si Jolina na nandun ang panghihinayang na hindi muna matutuloy ang nasabing serye pero nandun pa rin ang hiling niya na mag-push through pa rin ito.

“Nanghihinayang, nagpe-pray na lang ako na matuloy na lang. Excited talaga akong makasama si Toni, Papa P, si Sam.

“Sa ngayon parang wala munang balita, naka-hold muna. Kami ngayon ay nag-Magandang Buhay muna. Dito muna ang focus ko.”
 
Ayon kay Jolens ay masaya siya para kay Toni ngayong magiging kumpleto na ang pamilya nila ni Direk Paul Soriano.

“Siyempre happy ako for her kasi pag nasa set kami, nagkukuwentuhan kami about married life. Happy ako na na-bless siya agad ng baby.”
 
Ang Magandang Buhay ang pumalit sa dating timeslot ng TV show ni Kris Aquino, ang Kris TV. Hindi maiiwasan na may ilang nagkukumpara sa dalawang shows, paliwanag naman ni Jolina ay magkaiba ang tema ng mga ito.

“Di naman kasi ibang-iba yung sa amin, iba yung kay Ate Kris. Iba naman si Ate Kris, iba yun, e. Basta kami mas pagbubutihan pa namin, mas bobonggahan pa namin.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN