Heart Evangelista admits feeling jittery over naughty scenes with Dennis Trillo

Heart Evangelista admits feeling uneasy about her naughty scenes with Juan Happy Love Story co-star Dennis Trillo: "Parang napakahusay niyang actor na hindi siya masyadong naiilang. So siguro naman, binabalanse lang din niya dahil ako, ilang na ilang ako."



Breather para kay Heart Evangelista ang bago niyang primetime series, ang Juan Happy Love Story na magsisimulang mapanood sa May 16.

Rom-com ang tema ng bagong serye na pagbibidahan nila ni Dennis Trillo.

Drama ang huling serye ni Heart at sabi nga namin sa kanya, madrama rin ang buhay niya ngayon dahil sa kampanya at eleksiyon kunsaan tumatakbo sa pagka-Bise Presidente ang asawa niyang si Senator Chiz Escudero.

Yes, break naman. Ang saya ng taping, very light.

Tapos yun nga, paiyak ka pa lang, biglang tigil na.

So ang saya, sana ganito na lang palagi,” lahad ni Heart nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa naging presscon nila sa La Madera Gastronomic Pub, Tomas Morato Ave, noong May 2.

BOTHERED BY NAUGHTY SCENES. Sa isang banda, kahit romcom ang tema ng bagong serye nilang Juan Happy Love Story, medyo may pagka-naughty daw ito.

Gaano sila ka-naughty ni Dennis rito?

Kami ni Dennis, naughty talaga, e.

Medyo nakakailang nga, pero trabaho is trabaho, so you have to deliver.

Pero hindi ko maikakaila na sobrang nakakailang talaga,” amin niya.

Nilinaw ni Heart na hindi raw naging sila ni Dennis o hindi rin daw sila nagkaligawan noong nagkasama sila sa mga nakaraang proyekto nila. Isa na dito ang pelikulang Mano Po.

Ayon kay Heart, “Hindi, e. Never siyang nagpa-ano... ”

Nang gawin naman daw nila ang unang teleseryeng pinagsamahan nila ni Dennis sa GMA-7, ang Dwarfina, boyfriend naman daw niya noon si Daniel Matsunaga.

Siguro busy ako sa lovelife ko or hindi lang talaga meant,” saad niya.

Hindi ba niya naramdamang nailang din si Dennis sa mga naughty scenes nila lalo pa nga’t ngayon, may asawa na si Heart?

Parang napakahusay niyang actor na hindi siya masyadong naiilang.

So siguro naman, binabalanse lang din niya dahil ako, ilang na ilang ako,” saad pa niya.



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano Kaya ang eksenang eto?! SOON on #juanhappylovestory ???????? ??? #gmaprimetime

A photo posted by Love Marie Ongpauco Escudero (@iamhearte) on







WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN