Jennylyn Mercado will have Dennis Trillo as first guest on cooking show

Jennylyn Mercado enjoys the light, breezy format of her new GMA News TV cooking show Dishkarte of the Day: "Magaan lang naman, hindi mo naman kailangang umiyak, luto-luto lang. Pang-break lang sa mga ginagawa kong drama, movies."

 



Ngayong Linggo, May 8, magsisimula nang mapanood araw-araw ang tinataguriang Romcom Queen na si Jennylyn Mercado sa GMA News TV sa kanyang bagong bihis na cooking show, ang Dishkarte of the Day.

Ngayon daw kasi, focus na lang sa isang corned beef product at araw-araw raw silang mapapanood.

Kaya ang tanong kay Jennylyn agad, hindi kaya sila mauubusan ng recipe dahil isang brand ng corned beef lang ang pangunahing sangkap?

Sabi naman ni Jennylyn, “Ang galing, ang galing nga. Per taping day, eight recipes. Ang galing nga, e.

“Marami na rin kaming naluto, sinigang, nilaga, tacos, iba-iba, e. Mga ginisang gulay.”

Sa ngayon, wala pa raw siyang nasusubok sa bahay niya na iluto sa mga niluto na nila sa show.

Katuwiran ni Jennylyn, “Wala pa kong oras e, pero susubukan ko, baka magustuhan ni Jazz.

“Kasi alam niyo, lahat ng klase ng gulay, puwede niyong lagyan.”

Directed by Noel Anonuevo, ang Dishkarte of the Day ay mapapanood Mondays to Fridays at 8:20-8:30 am, 3:00-3:10 pm and 7:00-7:10pm; on Saturdays at 8:20-8:30 am, 3:00-3:10 pm, 4:50-5:00pm; and on Sundays at 12:25-12:55pm, 4:50 to 5:00 pm and 5:40-5:50pm sa GMA News TV.


LIGHT BREAK FROM ACTING. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn sa taping ng Dishkarte of the Day sa isang bahay sa Casa Milan, Fairview, Quezon City noong May 5.

Itong linggong ito, araw-araw raw talaga ang taping nila.

Kung tutuusin, limang taon na si Jennylyn sa cooking show ng GMA-7 at masaya raw siyang talagang hinu-host ito.

Sabi nga ni Jennylyn, “Magaan lang naman, hindi mo naman kailangang umiyak, luto-luto lang.

“Pang-break lang sa mga ginagawa kong drama, movies.”

Ngayong pilot episode nila, si Dennis Trillo ang special guest niya.

Natawa si Jennylyn nang sabihin namin sa kanya ang sinabi ni Betong Sumaya na para raw wala siya sa harapan nila ni Dennis dahil hindi na raw niya ito napapansin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Seloso talaga yun, si Betong.

“Kasi, palaging sa kanya lang ako dapat nakatingin. Nagseselos siya sa mga guests namin,” ngiti niya.

Biro pa niya, “Ako rin, nagseselos kapag may mga babae kaming guests na sinasabihan niyang maganda.”

NOT TOO KEEN ON HOSTING. Tinanong nga namin si Jennylyn kung nakikita rin ba niya ang sarili niya na naghu-host na talaga tulad ng lifestyle o talk show.

Sabi niya, “Siguro hindi sa talk show, kasi hindi naman ako masyadong madaldal.

“Pero cooking show, okay na 'ko.

“Para siyang therapy, yung naghahalo, naglalagay ng mga ingredients.

“Kapag tinikman mo, ang sarap. At saka, talagang tinitikman namin.”

Sabi rin ni Jennylyn, kaya raw hindi niya nakikita ang sarili bilang talk show host, dahil hindi raw siya yung tipong intrigera.

“Oo e, hindi ako sanay na nang-iintriga or tanong nang tanong,” pag-amin niya.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN