Christian Bautista reveals he auditioned for Encantadia; doesn't mind playing father role

Christian Bautista admits coveting the role he has landed in Encantadia, "Very glad that I am part of Encantadia." His character Apitong is the foster father of Ybarro. He adopts Ruru Madrid's character and treats him as his real son.



Wala raw problema kay Christian Bautista na gumanap na tatay onscreen. 

Nagawa na raw niya ito sa isang panghapong-serye ng GMA-7 kunsaan naging tatay siya ni Kim Rodriguez.
 
Ngayon, ang karakter niya ay ang tatayong ama ni Ruru Madrid sa  Encantadia
 
Ayon kay Christian na gaganap bilang Apitong sa 2016 version ng Encantadia, “That’s the next step naman talaga.

“That’s the next progression of male actors, nagiging father, ganun talaga.”
 
Katulad ng ibang cast sa Encantadia, dumaan din daw si Christian sa audition.
 
“Halos lahat naman yata nag-audition,” saad niya.

Noong unang ipinalabas ang Encantadia ay nasa bakuran pa siya ng ABS-CBN.
 
Saan nanggaling ang interes ni Christian na makasama sa itinatayang biggest telefantasya ng Kapuso network ngayong 2016?
 
Encantadia was one of the biggest shows of GMA, nasa ABS pa ko.

“So given the opportunity, gusto kong makasali at nakasali nga."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Christian sa taping ng Dishkarte of the Day sa Casa Milan, Fairview.

Magiging special guest si Christian sa cooking show na ito ni Jennylyn Mercado sa GMA News TV.
 
Sa original na Encantadia ay si John Regala ang gumanap bilang Apitong.

Masaya ang singer-actor na ito ang karakter na napunta sa kanya dahil yun din daw ang mismong pinag-audition niya.
 
Ayon kay Christian, “Alam niyo kasi, yung nakikita niyo ngayon, hindi lang yun.

“Dadami pa yun ng dadami katulad noong last Encantadia.”
 
Hindi pa raw siya nagte-taping pero nagti-training na siya, “Kailangan, kasi arnis, sword training.

“Kailangan talaga dahil lumalaban talaga.

“Masaya naman kasi, mahilig naman ako sa mga ganun.
  
“Very glad that I am part of Encantadia.”  

 







WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN