Comedian Betong Sumaya co-hosts cooking show with Jennylyn Mercado

Betong Sumaya is currently in five GMA shows, making him one of the busiest comedians in showbiz today. He serves as the co-host of Jennylyn Mercado in the cooking show Dishkarte of the Day.



“Sakto lang po,” ang nakangiting sagot ng komedyanteng si Betong Sumaya sa komentong tila paborito siya ng Kapuso Network.

Pang-limang show na kasi niya ang Dishkarte of the Day, ang bagong cooking show ng GMA News TV kung saan si Betong ang sidekick ng host na si Jennylyn Mercado.

Natatawang reaksiyon ni Betong, “Naku, hindi naman po favorite, nabibigyan lang po siguro ng chance.
 
“Although lahat naman po kami, sa Bubble Gang po, nabibigyan naman po ng chance.

“Kaya natutuwa po kami sa pagtitiwala.

“Minsan, tinatanong namin sa sarili namin, ‘Sigurado ba sila?’” 

Ngayon pa bang lima ang shows niya?
 
“Ay, thank you Lord, thank you Lord,” natawang sabi niya.


ENVIED? Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Betong kamakailan sa taping ng Dishkarte of the Day.

Bago pa ito ay matagal-tagal na rin daw niyang nakaka-trabaho si Jennylyn at starstruck raw siya sa aktres.
 
Ani Betong, “Sa Sunday All Stars, may mini-segments na rin kaming nagkasama. 

“Pero dito, first time ko talaga siyang makasama. Parang nakaka-starstruck.
 
“Pero noong naka-work ko na si Ms. Jen, mabait, e, mabait na tao. 

“Kapag nagba-buckle, hindi maiiwasan, ‘Sorry po, sorry po’ agad siya.  

“At saka, sobra siyang magalang sa mga tao, sa mga cameraman.”

Dahil sinusuwerte sa kanyang career, may mga naiinggit ba sa kanya?

“Sino po ba yun? Kakausapin ko,” biro pa niya, “pero wala po, wala naman pong naiinggit.
 
“Lahat naman po sila, kapag binabati ko, happy naman po sila.

“At saka, kapag naman po umaalis ako at dumarating, may pasalubong naman po ako sa lahat. 

“Minsan bumibili po ako ng malakihang chocolates para sa lahat na.”

LIFE CHANGING. Mula sa Survivor Philippines ay malaki na ang nabago sa buhay ni Betong.
 
Ayon sa kanya, “In terms of sa nakakakilala, medyo dumarami na po.

“Kasi po, kapag may isang nagpa-picture, magsusunod-sunod na po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tapos ang ending, ako pala kukuha ng selfie namin.”
 
Bukod sa pangalan niya, ang madalas daw na itawag sa kanya ng tao ay Amazing o Antonieta.
 
“Minsan nga po, akala ko kapag tinatawag nila ko, minumura nila ko sa Antonieta,” natawang kuwento niya.
 
Naging maayos na rin ang pinansiyal na aspeto ng buhay niya.
 
Kuwento niya, “Siyempre po yung finances ko, thankful na po ako kung ano ang nakukuha ko ngayon.
 
“Before po, sa News and Public Affairs, sa production, siyempre, iba rin po. 

“Ngayon sa entertainment, medyo iba rin ang rates.”

May sarili na rin siyang condo na hinuhulugan niya. 

 
INVESTMENT. Pina-plano pa raw niya kung ano naman ang negosyong puwede niyang pasukan. 

Ang nanay raw niya ang may maliit na negosyo tulad ng direct selling.
 
Natutuwa rin ang komedyante na naiaayos niya ang buhay ng pamilya niya.
 
“Siyempre po, masaya rin ako na nadadala ko sila sa mga lugar na hindi nila napupuntahan dati.

“Nadala ko na rin po sila sa Boracay, sa Hongkong. 

“First time nilang magka-passport and makapag-eroplano as family.”
 
Ang tinutukoy na pamilya ni Betong ay ang kanyang ina at mga kapatid. Hindi pa ba niya naiisip na magkaroon ng sarili niyang pamilya?
 
“Siguro po makapaghihintay naman po ‘yan, ito nga pong sarili ko minsan wala pang oras.  Sabi ko, paano pa ba.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN