Willie Revillame to introduce new co-host as bigger Wowowin returns on Monday

Sa pagbabalik ng pinalaking Wowowin, mas pinadali pa daw ng show ang mga mechanics ng kanilang mga games para mas mabilis itong mapanalunan ng mga contestants.


Magbabalik na sa ere simula ngayong Lunes, May 16, ang early primetime game show ni Willie Revillame na Wowowin sa GMA.

Matatandaang bago mag-eleksyon, nagpaalam muna ang palabas at si Willie para makapagpahinga ng dalawang linggo at upang bigyang daan ang eleksyon coverage ng Kapuso Network.

Read: Wowowin and host Willie Revillame to take short break this May

Kuwento ni Willie sa GMA News Online, “Ilang tulog na lang po. Sa Lunes po, tuloy na po ulit ang programa natin, starting Monday, five o'clock!”

Ayon pa sa TV host, may magandanag naidulot ang ilang araw nilang bakasyon dahil nakauwi din ang ilan niyang staff sa kani-kanilang mga probinsiya upang bumoto noong nakaraang halalan.
Nagkaroon din daw sila ng ilang meetings para makapag-isip ng mga bagong idea alinsunod na rin sa first year anniversary ng show.

Dagdag pa niya, "Pinaganda ang set, pinalakihan. The idea is para kang nanunuod ng American Idol, nanunuod ka ng MTV Music Awards Night, parang nanunuod ka ng Grammy Awards—ganoon ang gusto namin.

EASIEST WAY TO WIN. Sa pagbabalik nila sa Lunes, aasahan na daw na mas pinadali pa nila ang mga pamamaraan upang manalo ang mga sasali sa kanilang mga palaro.

Dagdag pa niya,"Naisip ko mas madaling manalo dapat. Bakit natin papahirapan?

"Katulad ng mega jackpot, yung P1 million, at yung house and lot—hindi nakukuha kasi kapag nag-offer ka ng P50,000 o P60,000 dun sa "Pera o Kahon", nagpepera na agad 'yan.

“Ang gusto namin dito may nanalo. Hindi naman pinagdadamot sa mga games 'yan.

"Kaya nga pinapadali namin ang mga games.”

Samantala, magkakaroon na daw ng bagong co-host si Willie na isang dating beauty queen.

Sabi pa niya, “Mayroon kaming bagong co-host, makikita niyo sa Monday at naging proud tayo sa kanya.

“Of course, there's Pia Wurtzbach na naging Miss Universe natin, siya naging contender din siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN