Is Joross Gamboa playing matchmaker for Star Circle Quest batchmate Sandara Park?

Joross Gamboa jokingly reveals acting as matchmaker for his Star Circle Quest batchmate Sandara Park, especially during bonding trips abroad: "E, kasi nga nagmamatandang dalaga na, nagpapahanap sa akin ng ano... Hindi ko maireto kay Mario Maurer, kasi yung schedule ni Mario."

 



Noong una pala ay inakala ni Joross Gamboa na drama ang gagawin niyang serye sa GMA, ang Juan Happy Love Story.

Lahad niya, “Una nga na sinabi sa akin na Dennis-Heart, sabi ko, ‘Wait lang kailangan ko munang mag-workshop sa drama kasi mukhang matindihang iyakan ito.

“Nung sinabi sa aking comedy, ‘Ah okay, masaya ‘to!’

Kaya hindi na siya nag-workshop.

Sa Juan Happy Love Story na eere na sa Lunes, May 16, ay bida sina Juan (Dennis Trillo) at Happy (Heart Evangelista).

Kasama rin sa show ang Queen of Philippine Cinema Ms. Gloria Romero as Lola Mameng at Mr. Nick Lizaso as Lolo Caloy, Juan's grandparents; Gardo Versoza as Boyong and Lotlot De Leon as Isay, Happy's parents; Ericka Padilla as Joy, Happy's older sister; Joross Gamboa as Bob, Happy's childhood best friend; Dominic Roco as Henry, Happy's brother-in-law; Kim Domingo as Agatha, Juan's business partner; Vincent Magbanua as Lucky, Happy's youngest brother; Rob Moya is Kyle, Juan's best friend; Leanne Bautista as Katkat, Juan and Happy's adopted child; Arianne Bautista as Sally, Happy's friend; Koreen Medina as Lorriane, Kyle's wife and Happy's friend; Vince Gamad as Glenn, Juan's friend.

Ang Juan Happy Love Story ay sa direksyon ni Mr. LA Madridejos; mapapanood ito pagkatapos ng Once Again sa GMA Telebabad.


BONDING WITH DENNIS. Halos lahat raw ng cast members ay ka-close ni Joross bago pa man sila nagsimula ng taping.

Aniya, “Si Dennis lang talaga ang wala akong connection.”

Pero noong gumiling na ang kamera ay nagkaroon na sila ng konek ni Dennis.

Kuwento niya, “Wala, nagtatawanan kami, napapatawa ko siya tapos sabi nilatahimik daw si Dennis. Hindi naman e.

“Kaya nagulat din ako na masayahin din pala siya.”


JOROSS AS SCRIPTWRITER. Napag-alalam rin naming na bukod sa pag-aartista ay papasukin ni Joross ang scriptwriting.

Masaya niyang pahayag, “Nag-aral ako ng scriptwriting kay Sir Ricky Lee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ipinasok ako ni Inang [lady director Olivia Lamasan].

“Pagka-graduate ko, iyon yung nanganak yung asawa ko.

“Meron kaming graduation, meron kaming diploma.”

Nanganak ang misis ni Joross na si Katz Saga noong October 2015 sa una nilang anak na si Jace Kyler.

May script na raw na ginawa si Joross..

“Actually, meron akong... may pinapasulat sa akin ngayon, sa Singko [TV5].

“Ewan ko, ginawa akong headwriter kaagad!

“Gusto pa nilang gawing soap, sina Boss Vic [del Rosario ng Viva at TV5].

“Sabi ko, ‘Hindi po, ano lang once a week lang, hindi ko po alam kung anong gagawin ng headwriter,’” ang tumatawang kuwento ni Joross.

Sabi namin kay Joross, napakasuwerte niya dahil may soap opera siya sa GMA, gumagawa ng pelikula sa Star Cinema, at sumusulat para sa TV5.

“Sana ma-push, matuloy din, ma-push through kasi gusto ko rin mapag-aralan yung sa pagsusulat ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joross sa pictorial ng Juan Happy Love Story sa GMA compound.

MATCHMAKER FOR SANDARA? Sa batch nila ng Star Circle Quest ay si Joross na lamang ang pinaka-aktibo sa Pilipinas.

Siya lang yata ang may regular show.

Pero ang ka-batch niyang si Sandara Park ay itinuturing bilang isang superstar sa Korea.

Sabi niya, “Sobrang sikat nun!”

Kuwento pa ni Joross, “Nakasama ko si Sandara sa Thailand, kasi lagi kaming magkakasama kami out-of-the-country.

“Ultimo honeymoon nga naming mag-asawa, sumama siya, e,” ang tumatawang kuwento ni Joross.

“E, kasi nga nagmamatandang dalaga na, nagpapahanap sa akin ng ano...

“Hindi ko maireto kay Mario Maurer, kasi yung schedule ni Mario.

“Tuwing pupunta kaming ano… naging tropa na namin ni Sandara, yung manager ni Mario.

“So kapag pupunta kami iyon yung mga kasama namin.”

Kaya biniro namin si Joross na siya ang matchmaker nina Sandara at Mario.

Natatawang tanggi niya, “Hindi, ang tagal na nun, e, ngayon iba na ang gusto niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sino na ang gusto ni Sandara?

“Hindi ko alam,” ang tumatawang pag-iwas ni Joross na sagutin ang tanong namin.

“Naghahanap pa lang kami.”

Magte-32 na raw si Sandara ayon pa kay Joross.

“Mas matanda si Sandara sa akin ng ilang araw, parehas kaming November.”

Ayon pa kay Joross, “Mahilig si Mario sa komedyante.”

So totoo na nagkarelasyon sina Mario at komedyanang si Kakai Bautista?

Paglinaw niya, “Hindi naging sila ni Kakai. Pero tuwang-tuwa siya kay Kakai.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN