Dion Ignacio not threatened by younger batch of promising stars

Dion Ignacio doesn't feel threatened by the presence of younger promising stars in GMA-7's current roster: "Ako naman excited akong makatrabaho sila, di ba? Maipamahagi yung alam ko kapag, 'Kuya Dion, paano po ba sa acting?' 'Ah, ganito 'yan.' Maipamahagi ko."



Bago siya napasama sa bagong GMA-7 teleserye na Magkaibang Mundo, si Dion Ignacio ay huling napanood sa Marimar kunsaan gumanap siya bilang si Nicandro.

Para sa Magkaibang Mundo, gaganap si Dion bilang si Jeffrey, ang third party o karibal ni Elfino (played by Juancho Trivino) kay Princess, na gagampanan naman ni Louise delos Reyes.

DOESN'T MIND SUPPORTING ROLES. Kahit nagbibida na dati, walang kaso kay Dion kahit suporta lamang siya ngayon para kina Louise at Juancho.

Sabi niya, “Oo naman! Walang problema, basta may trabaho, di ba?

“Kahit maliit o malaking character 'yan, basta kaya kong gampanan, walang problema.”

LOYAL KAPUSO. Labintatlong taon na si Dion sa GMA, at isa siya sa mga produkto ng unang batch ng StarStruck.

Ang ibang mga nanggaling sa naturang artista search ay wala na sa GMA.

Ano ang dahilan ng pagiging loyal Kapuso ni Dion?

“Masaya ako!

“Masaya ako sa proyekto na tinatanggap ko, lalo na nung medyo umedad na ako, mas lalo akong nagkaka-show.

“So thankful ako sa kanila, sa GMA, sa GMA Artist Center at lagi nila akong naiisip.

“Naniniwala sila sa kakayanan ko,” pagpapasalamat niya.

NOT THREATENED BY YOUNGER STARS. Hindi ba siya nai-insecure o threatened dahil may bagong batch (Season 6) na mga artista ang StarStruck?

Aniya, “Ako naman excited akong makatrabaho sila, di ba?

“Maipamahagi yung alam ko kapag, ‘Kuya Dion, paano po ba sa acting?’ ‘Ah, ganito 'yan.’

“Maipamahagi ko. So kahit naman may bago, nandiyan si God, kasama niya ako dun sa mga shows nila [sa GMA]. Parang ganun.”

Wala ba siyang wishful thinking na sana, sa halip na si Juancho ay siya ang naging leading man ni Louise?

Lahad niya, “Ah wala, wala akong ganun!

“Kung anong binigay sa iyo, kung ano ang natanggap mo na biyaya, na character, tanggapin mo.

“Kasi bibigyan ka Niya soon ng mas malaki, kapag natuwa Siya sa maliit na binigay Niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod kina Louise, Juancho at Dion ay nasa Magkaibang Mundo rin sina Assunta de Rossi bilang Amanda, Rez Cortez bilang Jojo, at si Ms. Gina Alajar bilang si Noreen.

May special role dito si Gabby Eigenmann bilang Ruben.

Kasama rin sa show na eere na sa May 23 si Maricar de Mesa bilang Criselda, Isabelle de Leon bilang Sofie, Mike "Pekto" Nacua bilang Bombi, Liezl Lopez bilang Analyn, Marika Sasaki bilang Maffi, at introducing naman ang international dancing sensation na si Balang bilang si Dino.

Ang Magkaibang Mundo ay sa direksyon ni Mark Sicat dela Cruz.

NO SEX VIDS. Kontrobersyal ang mga sex videos among local male stars, pero nakakasiguro daw si Dion na wala siyang malaswang video o photo na lalabas sa social media or internet sites.

Pagklaro niya, “Ano lang e, parang, half-body lang.”

Ano ang masasabi niya sa mga kapwa niya artistang lalaki na may nude selfie o video?

Payo niya, “Siguro, kung gumawa kayo nun, burahin kaagad.

“Kung makakaiwas, huwag gawin dahil showbiz tayo, e.

“Pangit, nakakahiya.”

Wala talaga siya kahit nude selfie?

“Basta kung meron man akin na lang yun.

“Hindi, hindi. Wala, wala,” diin pa niya.

Iyon namang pakikipag-chat sa isang babae ay nagawa na raw niya.

Pero hindi cybersex.

“Ah hindi yung ganun, chat lang talaga, kuwentuhan,” paglinaw niya.

Kapag may babaeng maganda na niyaya siya ng cybersex, ano ang sasabihin niya?

“Hindi ko alam, hindi ko pa na-experience kasi, e.”

May chance ba siya na matukso, lalo na kung magandang babae ang nagyayaya sa kanya?

Payo niya, “Aba, e, kilalanin muna.

“Baka mamaya, di ba? Sabit ka pala dun.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN