Assunta de Rossi reaffirms her passion for acting: ''Kahit piso lang ang ibayad sa akin.''

Assunta de Rossi on her dedication to her acting craft: "I'm an artist, artist ako hindi pupuwedeng ano yun, e. It keeps my sanity talaga. Kasi kung wala yun, maloloka ako!"



Noong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Assunta de Rossi sa presscon ng Magkaibang Mundo noong May 12 sa GMA Network Center, tinanong namin siya kung bakit inabot ng thirteen years mula noong huling show niya sa GMA-7.

Kibit-balikat niya, “Hindi ko alam.”

Ang namamahala ng career ni Assunta ay si Annabelle Rama.

Ani Assunta, “She’s been my manager since 2007.”

Habang wala siya sa GMA ay lumalabas siya paminsan-minsan sa ilang shows ng ABS-CBN.

“Yeah, kaya lang wala akong kontrata sa kanila since 2005 or 2006, e. Matagal na,” dagdag pa niya.

PASSION FOR ACTING. Sampung taon siyang walang kontrata sa kahit na anong TV network. Ito ba'y dahil mas priority niya ang pagiging housewife sa kanyang asawang si Congressman Jules Ledesma kaysa pag-aartista?

Tugon niya, “Hindi, kasi mas marami kasi akong work sa ABS nun, iyon ang talagang…”

Pero wala rin siyang kontrata sa Kapamilya network.

“Wala rin pero… paano ba?

Paliwanag niya, “Sabihin na natin na iyon yung moneymaker ko, ABS, kasi iyon talaga ang nagbibigay ng trabaho kahit hindi talaga yung, kunwari sunud-sunod na shows o yung kunwari may natapos na soap, ano na naman.

“Iyon lang talaga, dun lang talaga ako yung malakas kumita, kahit hindi talaga,” at tumawa si Assunta.

Kailangan pa ba niyang kumita samantalang nakaririwasa naman silang mag-asawa sa buhay?

Diin niya, “I’m an artist, artist ako hindi pupuwedeng ano yun, e. It keeps my sanity talaga.

“Kasi kung wala yun, maloloka ako!

“Or siguro puwede akong gumawa ng something else, di ba, like… basta may kinalaman pa rin sa sining.

“Kasi hindi ko kaya yung, I mean even if my husband says na, ‘O di sabihin mo na nabu-bore ka?’

“'Hello! Bored ka, bakit hindi ka mag-Culinary Arts, di ba?'

“Baka ganun ang ipambara sa akin. Hindi naman ako mahilig magluto,” ang tumatawang bulalas pa ni Assunta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayoko, gusto kong umarte!”

Hobby o pastime ba niya ang pag-aartista?

“Oo. And hindi naman ako, it’s not even for ano...kasi ako talaga I really deliver.

“Passion ko talaga ito, e.

“Ayoko nung maging parang half-baked o parang trip-trip lang kasi hindi ko naman talaga kailangan.

“Hindi, whether I’m overpaid or underpaid, talagang I’ll give you talaga the performance of my life.

“Parang ganun.

“Kahit piso lang ang ibayad sa akin.”

Kahit indie movie na libre lang?

“Oo kasi ano e, ayoko kasing pagsisihan nila kung bakit pa nila ako kinuha, di ba?

“Tsaka isa pa, you know, napaka-competitive talaga ng mundong ito, di ba? I can be replaced anytime.

“So siyempre ako, personally gusto ko pa namang magtagal. I think marami pa naman akong maio-offer bilang artista.”

Bida sa Magkaibang Mundo sina Louise delos Reyes bilang si Princess at si Juancho Triviño bilang si Elfino; si Assunta naman ay gaganap bilang ina ni Princess na si Amanda.

Kasama rin nila sina Dion Ignacio bilang Jeffrey, Rez Cortez bilang Jojo, at si Ms. Gina Alajar bilang si Noreen.

May special role dito si Gabby Eigenmann bilang Ruben.

Kasama rin sa show na eere na sa May 23 si Maricar de Mesa bilang Criselda, Isabelle de Leon bilang Sofie, Mike "Pekto" Nacua bilang Bombi, Liezl Lopez bilang Analyn, Marika Sasaki bilang Maffi, at introducing naman ang international dancing sensation na si Balang bilang si Dino.

Ang Magkaibang Mundo ay sa direksyon ni Mark Sicat Dela Cruz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN