Direk Gina Alajar on returning to acting: "Imprimitiba rin ako minsan."

Direk Gina Alajar proves her mettle as a dramatic actress as she faces the cameras once again for GMA-7's new teleserye, Magkaibang Mundo. Being a veteran director, she admits she has to deliberately stop herself from "thinking like a director": "Kasi minsan din, imprimitiba rin ako minsan. 'Hindi, pupuwede 'yan, ganito na lang ang gawin.' "Nakokorek ko ang sarili ko na, 'Please, please, 'wag.' You know, baka you're being bastos."



Mula sa pagiging artista, nakilala rin si Gina Alajar bilang isa sa mga premyado at dekalibreng direktor sa larangan ng local showbiz.

Nitong nakaraang mga taon ay halos sunud-sunod ang kanyang mga TV projects, kaya't minabuti niyang tutukang mabuti ang kanyang papel sa likod ng kamera.

Ang pinakahuling seryeng nagawa niya ay ang Hiram na Puso na ipinalabas sa GMA-7 noong 2012.

Ngayong taon, muling haharap si Direk Gina sa harap ng kamera sa bagong Kapuso teleserye na Magkaibang Mundo kunsaan gaganap siya bilang kontrabida.

Sa apat na taon na tumigil siya sa pag-arte, na-miss ba niya ito?

“No, sabi nga ni Ms. Kamille Hermoso, parang they want to see a different... in the afternoon which is true naman, kasi di ba, paulit-ulit na lang yung artista natin na napapanood natin.

“So, sabi ko, siguro I would make a difference if I’ll appear again.

“Tutal naman, matagal-tagal na akong hindi nakaka-appear sa television,” lahad ni Direk Gina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ginanap na presscon ng Magkaibang Mundo sa 17th Floor ng GMA building.

Dugtong pa niya, “May four years din yun, after yun ng Amaya.

“Kaya sabi ko, siguro puwede na. Puwede nang mag-artista ko.

“Pero siyempre, nagda-doubt ako sa una. Hindi ko alam kung kaya ko.

“Siyempre, yung pagme-memorize ng linya, kakalawangin ka talaga.

“Lalo na ang soap opera, afternoon pa, sagaran yung mga sequences na isu-shoot mo.

“So, I really don’t know kung kaya ko. I thought magkakaroon ako ng problema, pero hindi naman.”

Napagod din ba siya sa pagdidirek?

“No, hindi naman ako napagod sa pagdidirek. It’s a good breaker. Nag-enjoy naman ako.”

CURBING HER DIRECTORIAL URGE. Sa pagbabalik niya sa pag-arte sa telebisyon, isang baguhang director naman ang hahawak sa kanya, si Direk Mark Sicat dela Cruz.

Hindi ba ito naiilang sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“First time niyang solo niya, pero he used to... assistant siya ni Director Andoy Ranay.

“Yung ilang, napi-feel ko noong una, that’s why I have to make a proper adjustment.

“Kasi minsan din, imprimitiba rin ako minsan. 'Hindi, pupuwede ‘yan, ganito na lang ang gawin.' “Nakokorek ko ang sarili ko na, 'Please, please, ‘wag.'

“You know, baka you’re being bastos or something. You’ll keep quiet unless asked. Yung ganun.”

Kapag umaarte naman daw siya, hinihiwalay niya ang pagiging artista niya at pagiging director.

Ayon dito, “I follow my director. I follow what he wants.

“But of couse, as any... minsan lang naman yung parang, 'May mali, Direk.'

“Tapos, sasabihin niya, 'Oo nga, feel ko rin na parang may mali. So, paano natin sosolusyunan ‘to?'

“He’s very, very humble naman and he accepts suggestions naman.”

IMPRESSED WITH JUANCHO'S ACTING. Naniniwala naman ang actress-director na may “K” na ngang maging leading man ang bida ng Magkaibang Mundo na si Juancho Trivino.

Naidirek na rin niya ito dati sa panghapong-serye na Villa Quintana.

“First time ko siyang makita at maidirek sa Villa Quintana, e.

“How would I describe him? Bubuguy-bugoy.

“Siyempre, ang cast ng Villa Quintana, sina Raymart Santiago, Paolo Contis.

“E, minsan kapag magkakasama na sa eksena, nahihirapan siyang sumabay. Parang pinagtatawanan siya.

“Pero ngayon, natutuwa ako.

“Look at him, di ba? I took notice of him sa Little Nanay. Parang bagay sa kanya.”

GEOFF'S FREELANCE STATUS. Isa rin sa kinumusta namin kay Direk Gina ay ang status ng kanyang anak na si Geoff Eigenmann bilang isang Kapuso.

Kamakailan lang ay nakita itong nag-guest sa Ipaglaban Mo ng ABS-CBN.

Ayon sa actress-director, “Well, tapos na ang contract ni Geoff dito, they didn’t renew.

“So freelance na siya. He got an offer to guest in Ipaglaban Mo, nag-guest siya sa Ipaglaban Mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May posibilidad bang bumalik sa Kapamilya network ang anak?

“I don’t think so,” saad naman niya.

“Kasi, dito naman kahit walang contract, binibigyan naman siya ng assignment dito.

“Hindi naman ano na, tapos na ang contract niya, wala na rin.

“No, no... in fact, naggi-guest pa siya. Nag-guest siya sa Magpakailanman.

Dugtong din niya, “But actually, wala akong alam.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN